Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao
Ang salitang wika ay nagsimula sa salitang "lengua" na ang literal na kahulugan ay dila at wika
HenryGleason(1961)
"Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura."
Hill (1976)
ang wika ay ang pangunahin at pinaka elaborate na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na istruktura
Webster (1990)
Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang matuturing na komunidad
Balbal
Mga salitang pang kalye o pang lansangan
Halimbawa:
Parak-Pulis
Dabarkads-Barkada
Kolokyal
Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na salita.
Lika (Halika)
Naron (Naroon)
Antay (Hintay)
Lalawiganin
Salitaan o diyalekto ng mga katutubo sa lalawigan
Halimbawa:
Akong (Bisaya)- Akin
Kwarta (Bisaya)- Pera
Pambansa
Isang wika na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isang lahi o bansa
Halimbawa:
Bandila
Kisame
Larawan
Pampanitikan
Pinakamayamang uri ng wika kung saan kadalasan gumagamit ng salita sa ibang kahulugan.
Halimbawa:
Mabulaklak ang dila- Mahilig pumuri ng tao
Taingang kawali- Nagbibingi-bingihan
May balangkas
May masistemang ayos ang mga salita sa isang pangungusap.
Halimbawa:
"Ako ay nag-aaral sa De La Salle College Of Saint Benilde"
Makahulugang tunog
Gumagamit ang mga tao ng piling tunog upang magkaroon ng kahulugan ang wika
Pinipili at isinaayos
Madali ang pag-aaral kung ikaw ay matiyaga
Arbitraryo
Laging nagbabago ang wika ayon sa panahon.
Nakabatay sa kultura
Tagalog ang isa sa pinaka ginagamit na wika dito sa pilipinas
Ginagamit
Ang wika ay parte ng pang araw-araw na buhay natin.
Kagila-gilagis
Ang wika ay may kakayahan na umakit ng tao
Makapangyarihan
Ang wika ay nakaka kontrol ng pag-iisip ng isang indibidwal
May pulitika
Nakakahatak ng impluwensya ang pagsasalita
Ginagamitaraw-araw
Lahat tayo ay gumagamit ng wika upang maipahayag natin ang ating mga layunin araw-araw
Wikang pambansa
Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa.
Saligang batas 1987
Filipino ang ngalan ng wikang pambansa ng pilipinas
Wikang Opisyal
Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at nagbigay daan ito sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng iba't ibang salik
Virgilio Almario
"Ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na magiging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan."
Wikang Pambansa
Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang bansa.
Ginagamit ang wikang opisyal sa komunikasyon sa estado sa kanyang mga mamamayan at ibang bansa sa daigdig.
Wikang Panturo
Ito ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan.
Ang MotherTongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula kindergarten hanggang grade 3.
1934
Tinalakay sa convention constitutional ang panukalang pagkakaroon ng iisang wika.
1935
Artikulo XIV section 3, 1935 inutos ni pangulong quezon ang pagbibigay daan sa wikang pambansa.
1935
Batas commonwealth blg. 184 na itatag ang surian ng wikang pambansa upang pag-aralan at pagyamanin ang wika komisyon ng wika.
Napili rin nilang tagalog ang gawing wikang pambansa
1937
Disyembre 30, ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa.
1937
Kautusang tagapagpaganap blg. 134, 1937 naging tagalog ang wikang pambansa.
1940
Pagkalipas ng dalawang taon sa ilalim ng kautusang tagapagpaganap blg. 134, 1940 sinimulang ituro ang wikang tagalog sa paaralan pribado man o publiko.
1946
Ipinahayag ang wikang opisyal ng bansa ay tagalog at ingles sa visa batas commonwealth 5170.
1959
Mula sa tagalog ay naging pilipino ang kautusang pangkagawaran blg. 7 mula sa tagalog naging pilipino ang ating wikang pambansa.
1972
Muling nagkagulo na dapat baguhin na naman ang ating wikang pambansa, binalak nilang palitan ng wikang pilipino, nagkaroon ng pagtatalo na ang wika ay dapat gawing wikang filipino.
1987
Saligang batas 1987 artikulo XIV section 6 ang wikang pambansa ng pilipinas ay filipino hanggang sa kasalukuyan ay filipino pa rin.
Monolingguwalismo
Tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa isang bansa tulad ng mga bansang england, france, south korea, at japan.