Layunin: protektahan ang kapaligiran at pamumuhay ng mga tao
Halimbawa: RA9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) - naglalayong maibahagi sa bawat mamamayan ang tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod ng basura sa bawat baranggay
RA9275 (Philippine Clean Water Act) - kumikilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan
RA8749 (Philippine Clean AirActof1999) - naglalayong panatilihing malinis ang hangin sa pamamagitan ng pambansang programa at pagpigil sa polusyon sa hangin
DENR inatasan ng batas na magsagawa ng polisya at programa upang epektibong makontrol ang polusyon sa hangin sa bansa
RA7586 (National Integrated Protected Area SystemActof1992) - kumikilala sa kahalagahan ng pangangalaga sa likas na biyolohikal at pisikal na pagkakaiba-iba sa kapaligiran
Iba pang batas pangkalikasan:
RA 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2007) - nagbabawal sa pagpatay, pananakit, pangongolekta, pagbebenta, at pagbabyahe ng wildlife species na itinuturing na endangered
Batas Pambansa 7638 (Department of Energy Act of 1992) - naglalayong isaayos at isakatuparan ang pagpapaunlad ng enerhiya ng Pilipinas
Pananagutan: dapat gawin ng isang sektor o tao para sa kanyang sarili at bayan, kasingkahulugan ng mga salitang tungkulin, obligasyon, at responsibilidad
Pagpapahalaga: pag-iingat at pagmamahal sa pag-aari o teritoryo, tumutukoy din sa pagbibigay importansya sa isang tao, bagay, o pangyayari