Ang panghihikayat ay ang pag-anyaya sa isang tao na maniwala sa kaisipang isinusulong, na sumunod sa isang tiyak na pagkilos, na maramdaman ang isang damdamin, o gawin ang isang desisyon.
tekstong persuweysib - ay isang teksto na humihimok sa mambabasa na tanggapin ang kaisipang hinain ng may-akda.
Ayon kay Juliet Erickson (2004), ang unang dapat isaalang-alang sa panghihikayat ay ang maging malinaw muna sa may-akda kung ano ba ang nais niya at bakit niya ito nais.
Ang isang tekstong persuweysib ay humihimok ng mga kakampi o taga suporta. Samakatuwid, dapat itong isulat sa paraang kumukuha ng loob sa halip na naglalayo o antagonistiko.
Ayon kina Pie Corbett at Julia Strong(2011) ang mga sumusunod ay ilan sa mga gabay sa pagsulat ng tekstong persuweysib.
Mga elemento ng tekstong persuweysib: ethos, pathos, logos
ethos - Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat
pathos - Paggamit ng emosyon sa mambabasa
logos - Paggamit ng lohika at impormasyon
MGA HALIMBAWA NG TEKSTONGPERSUWEYSIB: NAME CALLING, GLITTERING GENERALITIES, TRANSFER, TESTIMONIAL, PLAIN FOLKS, BANDWAGON, CARD STACKING
CARD STACKING - Pagsasabi ng maganda puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito.
PLAIN FOLKS - Ang uri ng paghihikayat na ito ay gumagamit ng mga ordinaryong tao para ipakita at makuha ang tiwala ng madla na katulad din nila.
BANDWAGON - Hinihikayat ang mgataosapamamagitan ngpagpapaniwala sa mgaitonaang masa ay tumatangkilikat gumagamit na ng kanilangprodukto o serbisyo.
TRANSFER - Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto. Halimbawa nito ay ang pag paggamit ng mga sikat na personalidad upang i- promote ang isang produkto.
TESTIMONIAL - Ito ang propagandadevice kung saantuwirang eneendorsoo pino-promote ngisang tao angkanyang tao o produkto.
NAME CALLING - ito ay ang pagsasabi ng masama tungkol sa isang tao, bagay, o ideya para maipakitang mas maganda ang sinusuportahan mo at para mailayo ang mga tao sa ideya ng kalaban.
GLITTERING GENERALITIES - ito ay angpangungumbinsi sapamamagitan ngmagaganda, nakakasilaw, at mgamabubulaklak nasalita o pahayag.