Ang Unang Kabihasnan sa Kanlurang Asya

Cards (56)

  • Ang panakaunang kabihasnan sa Kanlurang Asya ay sumibol noong 3500 BCE sa pagitan ng mga ilog, Tigris & Euphrates
  • Ang mga ilog na ito ay matatagpuan sa Fertile Crescent.
    Tinawag na Fertile Crescent dahil sa hugis nitong gasuklay o quarter moon
  • Malawak ang lupain na bahagi ng Fertile Crescent na sa kasalukuyan ay sumasakop sa mga bansang Ehipto, Israel, Jordan, Lebanon, Syria, Iraq, hanggang sa Golpong Persian
  • Ang pinakamahalagang bahagi ng lupaing ito ay ang rehiyon na mahahanap sa gitna ng dalwang ilog na kung tawagin ay Mesopotamia
    Ang salitang Mesopotamia ay hango sa salitang Griyego na nangangahulugang 'lupain sa gitna ng mga ilog'
  • Sumerian
    Unti-unting lumipat ang ilang mga tao papunta sa lupain ng Mesopotamia noong 4200 BCE. Dumami ang mga tao dahil sa paghusay ng irigasyon o patubig na galing sa mga ilog Tigris at Euphrates.
  • Ang lungsod-estado ay isang siyudad na binubuo ng mga permanenteng pamayanan na napalilibutan ng pader.
  • Ang templo ay nagsisilbing sentro ng mga pamayanan kaya madalas ito ang pinakaprominenteng gusali sa mga lungsod-estado ng Sumeria.
  • Ang ziggurat ay estrukturang hugis piramide at may baitang.
  • Maraming diyos ng isang relihiyon ay isang uri ng paniniwala kung tawagin politeismo
  • Ang anyo ng pamamahala sa Sumeria ay nakabatay sa mga kautusan at paniniwalang panrelihiyon. Ang uri ng pamamahalang ito ay tinatawag na teokrasya.
  • Upang madukumento ang pakikipagkalakalan ng mga Sumerian ay natuto silang magbilang. 

    Ang pamamaraan ng pagbibilang ay nagsimula noong 8000 BCE.
  • Mula sa pagbibilang, binuo ang paraan ng pagsusulat na tinawag nilang cuneiform (wedge-shaped).
  • Ang cuneiform ay ginamit sa pagtutoro sa mga paaralan ng Sumeria na kung tawagin ay edubba.
    Kadalasan, ay mga lalaki mula sa mga mayayamang pamilya lang ang nakapag-aaral na magsulat sa edubba.
  • Nakabuo din ang mga Sumerian ng paraan ng pagbilang batay sa 60 na kung tawagin ay sistemang sexagesimal.
    Kasama sa sistemang ito ang mga numerong 3,10, 12
  • Katumabas ng 12 pulgada, ang bilang ng oras sa isang araw na may 24 na oras. Ang bilang na 60 minuto sa isang oras at ang sukat ng isang bilog na mayroong 360 degrees.
  • Akkadian
    Humina ang mga estado ng Sumeria dahil sa walang tigil na labanan kung kaya madali itong nasakop ng lungsod-estado na nasa kanilang hilaga: Akkad. Simula noong 2334 BCE ay napasailalaim ang lahat ng mga estado ng Sumeria sa kaharian Akkad.
  • Sa pamumuno ng hari na si Sargon I ay naitatag ang imperyo ng Akkadia na tumagal hanggang 2120 BCE.
  • Akkadia Imperyo
    Kauna-unahang imperyo na naitatag sa daigdig.
  • Malaban sa cuneiform ay ginamit ng mga Akkadian ang kanilang sariling wika sa pakikipagtalastasan.
  • Pinakatanyag sa mga tagapagmana ni Sargon I ang kanyang apo na si Naram-Sin na gumamit ng titulong 'The Lord Of The Four Quarters'
  • Madalas na nakaranas ng rebelyon ang mga Akkadian mula sa mga Sumerian . Hindi nagtagal ay bumagsak ang imperyong Akkadia at muling namayani ang mga Sumerian. Inilipat ng mga Sumerian ang kabisera ng imperyo mula sa Akkad patungo sa lungsod Ur
  • Ilan sa malalaking lungsod-estado na matatagpuan sa Mesopotamia noon ay ang Eridu, Ur, Uruk, Umma, Lagash
  • Babylonian
    Ang mga babylonian ay grupo ng mga tao na unang nanirahan sa mga kabundukan sa hilaga ng Mesopotamia. Sa pagtapos ng 2000 BCE ay unti-unting nila sinakop ang kapatagan ng Mesopotamia at inilipat ang sentro ng kapangyarihan sa lungsod-estado ng Babylon. Sila ang huling grupo na sumakop at nagtaguyod ng isang pangkalahatang imperyo sa Mesopotamia.
  • Si Marduk ang kinikilalang pangunahing diyos ng imperyong Babylonian. Sa Enuma Elis o Epic of Creation, ay inilarawan ng mga Babylonian ang pagkahirang kay Marduk bilang pinuno ng lahat ng mga diyos dahil siya ang lumikha ng buong sansinukob.
  • Ang tawag sa ziggurat ni Marduk ay etemenanki (templo na pundasyon ng daigdig at kalangitan.)
  • Ginamit itong basehan ng mga Babylonian upang makagawa ng kanilang kalendaryong lunar na may 12 buwan. Malaki rin ang naiamabag ng mga Babylonian gaya ng pagkukuwenta ng pinakamalapit na aproksimasyon ng value ng square root ng 2
  • Kodigo Ni Hammurabi
    Pinakamahalagang amabag ng mga Babylonian sa kasaysayan ang pagtatala ng kanilang mga batas sa isang konkretong dokumento. And dokumentong ito ay tinatawag na Kodigo Ni Hammurabi (1795 - 1750 BCE).
  • Kodigo Ni Hammurabi
    Ang kodigo ay binubuo ng 282 batas na nakaukit sa mga tableta. Ang mga batas ay ipinatupad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kaharian. Ito ang nagsilbing gabay ng mga mamamayan sa pamumuhay sa pamayanan sa mga gawaing panrelihiyon, buhay pamilya, at pakikipagkalakan. Ginamit din ito upang gabayan ang kabuhayan ng mga tao.
  • Mga mamamayan sa lipunang Babylonian ay nauuri sa tatlo: mga aristokrata o mga mamay-ari ng lupa, karaniwang tao at alipin.
  • Sinalakay ng mga Hittite ang Babylonia noong 1595 BCE na naging sanhi ng muling pagkakawatak -watak ng mga lungsod-estado at paghina ng kabihasnang Mesopotamia.
  • Dahil sa likas yaman ng lugar tinawag na Fertile Crescent ang lupain sa Kanlurang Asya
  • Mesopotamia - lupain sa pagitan ng dalwang ilog
  • Matatagpuan ang lupain ng Fertile Crescent sa Kanlurang Asya
  • Al'Ubaid - kulturang sumibol sa mga grupo ng mga tao na lumipat sa Mesopotamia noong 4200 BCE
  • Pangunahing kontribusyon ng kulturang Al'Ubaid sa Mesopotamia - kaalaman sa pagtatanim, paghahayupan, paghahabi at pangingisda.
  • Silangang bahagi ng Mesopotamia - Ipinalagay ng ilang skolar na nagmula ang mga sinaunang mamamayan ng Sumeria
  • 3000 - 2350 BCE - taon nagsimula ang pagusbong ng mga lungsod - estado ng Sumeria
  • 3500 BCE - kapanauhan sumibol ang mga sinaunang kabihasnan sa kanlurang Asya , partikular sa Mesopotamia
  • Tigris & Euphrates - pangalan ng mga ilog na matatagpuan sa lupain ng Fertile Crescent
  • Ang kahalagahan ng Ilog Tigris & Euphrates sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa Mesopotamia ay ang lupa sa paligid ng mga ilog ay mataba at angkop sa agrikultura.