Pananaliksik at pag susuri

Cards (11)

  • Tono:
    • Saloobin ng may-akda sa kaniyang isinulat
    • Maaaring magpakita ng galit, tuwa, inis, at lungkot
  • Akademikong Pagbasa:
    • Kritikal na pag-alam o pagtuklas ng kahulugan o kabuluhan ng isang teksto
  • Layunin:
    • Tunguhin o nais mangyari o makamit ng may-akda sa pagbabasa
  • Graphic Organizer:
    • Ginagamit ng isang manunulat upang maging sistematiko at organisado ang kaniyang mga ideya
  • May-akda:
    • Sila ang sumusulat ng isang teksto na maaaring nagpapakita ng galit, tuwa, inis, at lungkot
  • Pathos:
    • Paraang nanghihikayat sa pamamagitan ng pag-apila sa damdamin o emosyon ng mga tao
  • Logos:
    • Gumagamit ng mga katunayan, ebidensiya, estadistika, mga makasaysayang tala, mga opisyal na dokumento
  • Aristotle:
    • Naglahad na may tatlong paraan para makahikayat
  • Damdamin:
    • Emosyong nalilikha sa isip ng mambabasa habang at pagkatapos niyang basahin ang akda
  • Pananaw:
    • Nais sabihin o ipahayag ng may-akda tungkol sa isinulat na paksa
  • Ethos:
    • Paraang ginagamit ang impluwensiya at kredibilidad ng isang kilalang tao para makahikayat ng mga tao na tangkilikin ang isang produkto, serbisyo, o paniniwala