mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto.
Reperensiya
salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging Anapora (Pangngalan-Panghalip) o Katapora (Panghalip-Pangngalan)
Substitusyon
Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
Ellipsis
may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
Halimbawa: Bumili si Rina ng apat na ballpen at si Paolo naman ay tatlo.
Pang-ugnay
Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap.
Halimbawa: Ang mabuting magulang ay magsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
Kohesyong Leksikal
mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon