hindi lang sapat na mailarawan ang itsura ng mga detalye patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan dito.
Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon
Ito ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang-diin dito’y ang kanyang damdamin o emosyong taglay. Napakahalagang mailarawan nang mabisa ang damdamin ng tauhan.
Paglalarawan sa Tagpuan
Mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung kalian at saan naganap ang akda sa paraang makagaganyak sa mga mambabasa. Sa mahusay na paglalarawan sa tagpuan madarama ng mambabasa ang diwa ng akda.
Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay
Isang mahalagang bagay umiikot ang mga pangyayari sa akda at ito rin ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan.