Ang antas ng wika ay madalas na ginagamit ng isang tao na may palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa ating antas ng lipunan siya kabilang.
Dalawang uri ng antas ng wika
Pormal
Di pormal
Pormal
Mga salitang istandard dahil ito ay kinikilala, at ginagamit ng karamihang nakapag aral sa wika.
Uri ng Pormal na salita
Pambansa
Pampanitikan
Teknikal
Pambansa
Mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing ipinalabas sa buong kapuluan at sa lahat ng paaralan
Halimbawa ng pambansa
Kapatid
Nanay
Paaralan
Pampanitikan
Mga salitang
Matatayog
Malalalim
Makukulay
Matataas ang uri
Teknikal
Mga salitang ginagamit sa isang tiyak na disiplina o sitwasyon.
Ito rin ay ginagamit sa larangan ng Agham at Matematika.
At ginagamit sa pag-usbong ng teknolohiya .
Halimbawa ng teknikal
Instagram
ATM card
Facebook
Virus
Di pormal
Mga salitang karaniwan at palasak sa mga pang-araw-araw na pakikipagusap at pakikipag-sulatan sa kakilala o kaibigan.
Uri ng di pormal
Balbal
Kolokyal
Lalawiganin
Balbal
Katumbas ng "slang" sa ingles at itinuturing na pinaka mababang antas ng wika sa karaniwang ginagamit sa lansangan
Halimbawa ng balbal
Parak/lespu=pulis
Eskapo=tumakas
Ermat= nanay/ina
Erpat= tatay/ama
Kolokyal
Mga salitang ginagamit sa pang araw araw na hinalaw sa pormal ng mga salita
Halimbawa ng kolokyal
Meron-mayroon
Kelan- kailan
Sa'kin- sa akin
Pano- paano
Lalawiganin
Karaniwang salitan o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng mga cebuano, batangueño, bikolano at iba pa na mat tatak- lalawigan sa kanilang pagsaslita.