teksto - anumang uri ng sulatin na mababasa ninuman. Mahalaga ang mga teksto sa isang mananaliksik dahil ang mga ito ang nagiging batayan niya ng mga datos na kaniyang isusulat.
May mga teksto na ang layon ay: Magbigay impormasyon, Magturo ng proseso, Maglarawan, Manghikayat, Magsalaysay ng isang pangyayari, Magbigay aliw
Tekstong Impormatibo - nagagamit bilang pangunahing sanggunian ng isang mananaliksik. Naglalahad ito ng mga bagong punto o kaalaman tungkol sa isang paksa. Puno ito ng mga impormasyon na bago sa kaalaman ng bumabasa.
Tekstong prosidyural- nagbibigay itong mga panuto o hakbang kung paanomaisasakatuparan ang isang gawain.
Tekstong nagpapaliwang- may dalawang anyo ng pagpapaliwanagsapagkakaganap ng isang bagay- yaongnagpapaliwanag kung (a) “bakit” at (b) “paano” naganap ang isang bagay
Tekstong gumugunita- inilalahad ngtekstong ito kung paano naganap angisang pangyayari sa impormatibo o nakaaliw na paraan.
Mga Ulat- naglalahad ang mga ulat ngmga impormasyon tungkol sa isangbagay sa paraang obhetibo.
Tekstong naglalarawan- nakatuon angtesktong ito sa mga katangian ng isangbagay, gaya ng detalye ng pisikal na anyo, amoy, tunog, lasa, hatid na damdamin, at iba pa
Mga Bahagi ng Tekstong Impormatibo: panimula, katawan, Kongklusyon, Talasanggunian
panimula - Naglalaman ito ng paksang pangungusap na tumutukoy sa tema o bagay na tatalakayin sa teksto.\
katawan - Inilalahad ang mga impormasyong nagbibigay ng tiyak na detalye tungkol sa paksa.
Kongklusyon - Nilalagom sa bahaging ito ang mahahalagang punto sa nabanggit sa teksto.
talasanggunian - Iniisa-isa rito ang mga sangguniang pinagbatayan ng teksto.