Komunikasyon L1

Cards (25)

  • Ang kahulugan ng wika:
    • Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura
    • Ponema: tawag sa makahulugang tunog ng isang wika
    • Ponolohiya: ang tawag sa makaagham na pag-aaral nito
    • Morpema: maliit na yunit ng salita
    • Morpolohiya: tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema
    • Sintaksis: tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap
    • Diskurso: makabuluhang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao
  • Sa aklat nina Bernales et al. (2002), ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal
  • Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang grupo ng mga tao, ayon naman kina Constantino at Zafra
  • Ang wika ay parang hininga, gumagamit tayo nito upang kamtin ang bawat pangangailangan natin, ayon kay Bienvenido Lumbera
  • Ang wika sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan
  • Ang wika ay parang hininga, ginagamit natin ito upang kamtin ang bawat pangangailangan natin
  • Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan
  • Ayon kay Finnocchiaro (1964), ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o makipag-ugnayan
  • Webster (1990) - ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad
  • Kahalagahan ng wika:
    • Pagpapahayag ng damdamin at kaisipan
    • Kawastuhang gramatika
    • Dalawang konseptong nauunawaan
    • Instrumento ng Komunikasyon: Pagsasalin, Pagtatala, Midyum ng karunungan
    • Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman: Kalayaan, Pagkakaisa, Pag-unlad
    • Nagbubuklod ng Bansa: Imahinasyon, Emosyon, Lebel ng Wika
    • Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
  • Ang wika ang pangunahing instrumento sa pakikipagkomunikasyon at mahalaga sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao
  • Ang wika ay pangunahing instrumento sa pakikipagkomunikasyon
  • Wika ang nagbubuklod sa bansa at naglilingkod bilang tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman
  • Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may soberanya
  • Wika ang nagsisilbing tulay para magkausap at magkaunawaan ang iba't ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit
  • Ang kawalan ng wika ay magdudulot ng pagkabigo ng sangkatauhan
  • Ang pagkakaroon ng wika ay nagreresulta sa isang maunlad at masiglang sangkatauhang bukas sa pakikipagkasunduan sa isa't isa
  • Saliksikin at alamin ang mga katangian ng wika
  • Ang bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga makahulugang tunog o ponema
  • Ang bawat wika ay nakabatay sa tunog
  • Pinipili ang wikang ating gagamitin upang tayo’y maunawaan ng ating kausap
  • Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit
  • Ang wika ay nakabatay sa kultura ng mga bansa at mga pangkat
  • Dinamiko ang wika at hindi ito maaaring tumanggi sa pagbabago
  • Tanging pantao lamang ang wika