Pagsulat: pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao para maipahayag ang kanyang/kaisipan (Bernales, et al., 2001)
Pagsulat: biyaya, pangangailangan, at kaligayahan ng nagsasagawa nito (Keller, 1985)
Pagsulat: tao-sa-taong komunikasyon (Smith)
Pagsulat: pagsalin ng mga ideya, saloobin, perpektibo na kaya maging immortal (Catli 2024)
Pagsulat: pisikal, mental, at sosyal na aktibidad (PMS)
SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT:
Pagsulat: komunikasyong intrapersonal at interpersonal
Layunin sa Pagsulat:
Impormatib (Expository)
Mapanghikayat (Persuasive)
Malikhain (Creative)
Mga Uri ng Pagsulat:
Reperensyal: nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri, naglalayong magrekomenda ng iba pang mga sors o reference
Malikhaing: masining na pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura, layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa
Propesyonal: nakatuon o ekslusibo sa isang tiyak na propesyon, saklaw nito ang mga sumusunod: police report, investigative report, legal forms, briefs at pleadings, patient's journal
Mga bahagi ng isang akademikong sulatin:
Panimula
Paglalahad ng suliranin
Saklaw at delimitasyon
Kahalagahan ng pag-aaral
Teoretikal na balangkas
Konseptuwal na balangkas
Depinisyon ng mga terminolohiya
Malinaw - organisado ang pagkakatahi ng mga ideya - hindi gumagamit ng mabubulaklak na salita
Nakatuon sa katotohanan ang akademikong pagsulat, samantalang bunga ng malikot na isipan ang malikhaing pagsulat
Tiyak - batid ang tunguhin ng isinusulat
Maypaninindigan - mababakas ang kredibilidad ng isang manunulat sa kaniyang isinulat - ito ay dapat na hitik sa katotohanan - ang parenthetical citations ay nakadaragdag ng kredibilidad at paninindigan ng manunulat
Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao (Royo, 2001)
Maypananagutan - pagkilala sa may akda ng tekstong pinaghanguan o pinagbatayan
Mga uri ng akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit, at katangian:
Abstrak
Sintesis
Bionote
Memorandum
Agenda
MEMORANDUM:
Gamit: Panloob na komunikasyon sa negosyo
Layunin: Ipabatid ang impormasyon ukol sa pagpupulong
Katangian: Organisado at malinaw
AGENDA:
Gamit: Sa pagpupulong
Layunin: Ipakita ang paksangtatalakayin para sa kaayusan at organisadong pagpupulong