Pang-uring Panlarawan: naglalarawan ng hugis o anyo, lasa, amoy, kulay, at laki ng mga bagay; maaaring maglarawan ng katangian at ugali ng tao o hayop, pati na rin ng layo, lawak, at iba pang katangian ng mga lugar at mga bagay-bagay
Halimbawa: "Malalago ang punò sa kagubatan," "Matalino na ngayon si Moymoy Matsing," "Ang hangin sa kagubatan ay sariwa," "Maberde ang gawing kanluran ng kagubatan"
Pang-uring Pamilang:
Mga salitang nagsasaad ng bilang ng mga pangngalan
Nagsasaad ng dami o kauntian ng mga pangngalang inilarawan
Nahahati sa maraming uri
Patakaran:
Batayang bilang sa pagbilang
Mga basal na bilang
Halimbawa: isa, dalawa, tatlo, ...
Pamahagi:
Nagsasaad ng isang bahagi o parte ng kabuoan
Halimbawa: kalahati, kapat, tigatlo, ...
Pahalaga:
Nagsasaad ng halaga ng mga bagay na binili
Halimbawa: sampumpiso, dalawampiso, sandaan, ...
Patakda:
Tinitiyak na ang bilang ay hindi mababawasan o madadagdagan
Halimbawa: iisa, dadalawa, tatatlo, ...
PANUNURAN:
Nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng mga pangngalan
Halimbawa: una, ikalawa, ikatlo, ...
PALANSAK : nagsasaad ng pangkatan, minsanan, o maramihan ng mga pangngalan
Halimbawa para sa palansak : isahan, dalawahan, limahan