RENAISSANCE

Cards (19)

  • Ang Renaissance ay mula sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay Rebirth o muling pagsilang.
  • tumutukoy ito sa panahon ng kasaysayan sa Europe panahon ng kasaysayan sa Europe mula ika-14 hanggang ika-16 na dantaon.
  • Pangunahing katangian nito ay ang rebirth o muling pagsilang ng interes sa kulturang Griyego at Romano na nagbibigay-diin sa kahalagahan at kakayahan ng tao.
  • Panahon ng Transisyon dahil ito ang pagtatapos ng panahong medyibal at pagsisimula naman ng modernong panahon.
  • Italya ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Roma kaya't higit ang kaugnayan ng mga Italyano sa mga Romano.
  • Nasa pagitan ng kanlurang Europa at Asya ang Italya dahilan upang maging sentro ito ng kalakalan noong panahon. Ito ang nagbigay- daan upang umunlad ang mga lungsod sa Italya
  • Dahil sa mga unibersidad sa Italya na nagtaguyod ng klasikal na kaalaman ng kabihasnang GriyegoRomanoMayaman at malawak ang ibinunga ng Renaissance sa kultura ng tao at sa pagbabago sa kasaysayan ng daigig Umusbong ang mga bagong kaalaman at obra sa iba't-ibang larangan na siyang naghanda sa tao tungo sa modernong panahon. Narito ang ilan sa mga dakilang pamana ng Renaissance.
  • Yumabong ang sining at iba pang sangay ng pag- aaral dahil sa pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa ItalyaPamana ng Renaissance sa Iba't ibang larangan
  • POLITIKA Ang Europe ay kinakitaan ng paglalabanang political. Ang naglaban-laban para sa pamumuno ay ang papa, emperador, at ang mga pinuno ng France at Spain. Sa larangang political ay nakilala rin si Niccolo Machiavellie ang sumulat ng "The Prince".Sa aklat na ito,nagbigay siya ng mga mungkahi kung paano mamuno ng epektibo. Sa madaling salita ang pamamaraan ng pinuno,ano man ang anyo nito ay nagiging mabuti kung mabuti ang kanyang hangarin para sa nasasakupan. Sa wikang ingles tinawag itong 'The end justifies the means".
  • PAGPIPINTA Michelangelo Bounarotti (1475- 1564)Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance, ang una niyang obra maestra ay ang estatwa ni David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kuwento sa Banal na Kasulatan tungkol sapinagmulan ng sandaigdigan hanggang sa pagbaha. Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta.
  • Leonardo da Vinci (1452-1519) Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang "Huling Hapunan" (The Last Supper), na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang Kaniyang labindalawang disipulo, isang henyong maraming nalalaman sa iba't ibang larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at pilosoper. pag pinta
  • Raphael Santi (1483-1520) "Ganap na Pintor" at"Perpektong Pintor", Pinakamahusay na pintor ng Renaissance, Kilala sa pagkakatugma at balanse oproporsiyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang Obra Maestrang "Sistine Madonna", "Madonna and the Child" at "Alba Madonna - pagpinta
  • SINING AT PANITIKAN Francesco Petrarch (1304-1374)Ang "AmangHumanismo". Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ang "Songbook," isang koleksiyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakakamahal niyang si Laura.
  • Giovanni Boccacio (1313-1375) Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang "Decameron", isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isandaang (100) nakatatawang salaysay. sining at panitikan
  • William Shakespeare (1564-1616) Ang "Makata ng mga Makata." Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ni Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: Julius Caesar, Romeo at Juliet, Hamlet, Anthony at Cleopatra at Scarlet. Desiderious Erasmus (1466-1536) "Prinsipe ng mga Humanista." May-akda ng "In Praise of Folly" kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao. sining at panitikan
  • Miguel de Cervantes (1547-1616)Sa larangan ng panitikan, isinulat niya ang nobelang "Don Quixote de la Mancha," aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period. sining panitikan
  • Nicolas Copernicus (1473-1543) Inilahad ni Nicolas ang Teoryang Heliocentric; "Sa pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta,umiiko ito sa paligid ng araw." Pinasungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik ng simbahan. agham
  • Galileo Galilei (1564-1642)Isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang naitulong ng kaniyang na imbentong teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican. agham
  • Isaac Newton (1642-1727) Ang higante ng siyentipikong Renaissance. Sang-ayon sakaniyang "Batas ng Universal Gravitation," ang bawat planeta ay may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis