ALAMAT- Kwento o salaysay na nagsasalamin ng mga matatandang kaugaliang Filipino, kadalasan ay naglalahad ng pinagmumulan ng ngalan ng bagay, pook, pangyayari.
Mito o Mulamat- Kwento o salaysay tungkol sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha. Halos magkatulad sa alamat.
Kuwentong bayan- Ito’y naglalarawan ng mga kaugalian, pananampalataya at mga suliraning panlipunan ng panahong yaon.
Pabula- Kwento o salaysay na ang mga gumaganap ay mga hayup o nagsasalita.
Parabola- Kwento o salaysay batay sa banal na kasulatan na naglalahad ng katotohanang moral or espiritwal sa pamamagitan ng mga matalinhagang paraan.
Anekdota- Kwento o salaysay na maaring batay sa tunay na karanasan o hindi, katawa-tawa at may naiiwang mahalagang kaisipan sa mambabasa.
Maikling kuwento- Kwento o salaysay na nag-iiwan ng isang impresyon o kakintalan sa mambabasa. Ito ay maikli at maaaring matapos sa isang upuan lamang. May kakunting tauhan, tagpo at mga pangyayari.
Nobela o kathambuhay- Ang salitang nobela ay hiram sa kastila na hiram din sa italyanong novella. Isang katha na nagsasalaysay ng anumang bagay na sa kabuuan o sa isang bahagi ay hinango sa isang pangyayari at sinulat upang magbigay kasiyahan sa mambabasa dahil sa magandang paglalarawan ng tagpo, ng ugali, at gawi ng mga taong pinagagalaw
Dula- layunin na itanghal sa entablado ang mga pangyayari na maaring binubuo ng isa o higit pang pangyayari na may isa o higit pang mga pangunahing tauhan at mga katulong na tauhan, Ang dulang iisahing yugto at naglalahad ng isang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at natatapos sa maikling panahon.
Ang mahabangdula ay binubuo ng maraming pangyayari, maraming tauhan, at tumatagal ng mahabang panahon
Talambuhay- Nagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao mula nang siya’y isinilang hanggang sa pagkamatay.
Pangulong tudling o Editoryal- Mababasa sa mga pahayagan na pawang kuro-kuro ng punong patnugot tungkol sa napiling paksa. May layuning hikayatin ang madla. Ito ay may tungkuling magturo, pumuri, tumuligsa, at magtanggol.
Balita- Naglalahad ng mga pang araw-araw na kaganapan sa loob at labas ng bansa, Sinaklaw ang halos lahat na larangan tulad ng isport, politika, ekonomiya, edukasyon, kalusugan, relihiyon, espesyal at iba pang kauri.
Kasaysayan- Ito’y tala o mga nakasulat tungkol sa mga ulat na matagal nang nakaraan o nakalipas na.
Sanaysay- Tumatalakay sa isang napakahalagang paksa. Naglalahad ng sariling opinyon o pananaw ng sumusulat. Maaring pormal/ maanyo o impormal/ malaya.