Pagpag

Cards (37)

  • Teksto - Ito ay anumang bagay na maaaring “basahin.” Ito ay naglalaman ng mga mensaheng pangkaalaman na binuo gamit ang mga set ng simbolo upang makapaghatid ng impormasyon.
  • Pagbasa - Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
  • Intensitibong pagbasa - masinsin at malalimang pagbasa
  • Ekstensitibong pagbasa - pagbasa ng masaklaw at maraming materyales o babasahin
  • IMPORMATIBO > Isang uri ng babasahing di piksiyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw
  • deskriptibo - layunin nito ang mabuo sa isipan ng mambabasa at paglalarawan ng isang tiyak na katangian
  • Persuweysib - Isang uri ng tekstong naglalayong manghikayat ng mga mambabasa.
  • anong tono ang ginagamit ng persuweysib? subhetibong tono
  • Naratibo - Isang uri ng teksto na nagsasalaysay ng serye ng mga pangyayari.
  • Argumentibo - pangangatwiran ng mga kaisipan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sapat na katunayan o ebidensiya.
  • anong paraan ni aristotle ang ginamit sa argumentibo? Logos
  • Prosidyural - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
  • Direkta o Tuwirang Pagpapahayag - Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kaniyang diyalogo, saloobin, o damdamin.
  • ito ay ginagamitan ng panipi - tuwirang pahayag
  • ito ay hindi ginagamitan ng panipi - di tuwirang pahayag
  • Karaniwang Paglalarawan (Obhetibo) > Gumagamit ng payak, karaniwan, at tiyak na pananalita upang mapanatili ang pagiging obhetibo at walang kinikilingan. > Direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan
  • Masining na Paglalarawan (Subhetibo) > Maaaring kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan
  • argumentum ad baculum - Pananakot, puwersa at impluwensiya
  • Agrumentum ad populum >Sa halip na patunayan ang isang isyu, itinuring na tama ang argumento dahil sa popularidad.
  • reperensya - paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap
  • ANAPORA (Sulyap na Pabalik) Ang tawag sa mga panghalip na ginagamitan sa hulihan
  • KATAPORA (Sulyap na Pasulong) Ang tawag sa mga panghalip na ginagamit sa unahan
  • PAGPAPALIT (SUBSTITUSYON) >Ito ay paggamit ng iba’t iba pang reperensiya sa pagtukoy ng isang bagay o kaisipan.
  • PAGTITIPID (ELIPSIS) > Ito ay ang pagtitipid sa pagpapahayag. May mga salitang hindi na inilalagay o nawawala na sa pahayag sa kadahilanang naiintindihan na ito sa pahayag at magiging paulit-ulit na lamang.
  • PANG-UGNAY > Ito naman ay paggamit ng iba’t ibang pangatnig upang pag-ugnayin ang dalawang pahayag.
  • kohesyong leksikal - Ito ang mga mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon.
  • Pag-uulit o Repetisyon - Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang
  • Pag-iisa-isa- Nagtatanim silá ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.
  • Pagbibigay-kahulugan - Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap
  • KOLOKASYON >Mga salitang karaniwang magagamit nang magkakapareha o may kaugnayan sa isa’t isa
  • Name-calling > Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang hindi tangkilikin.
  • Card stacking >Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
  • Testimonial > Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto.
  • Plain Folks > Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong
  • Glittering Generalities >Ito ay ang magaganda at nakasisilaw na pahayag
  • iskiming - mabilisang pagbasa na layunin ay alamin ang kahulugan ng buong teksto
  • iskaning - pagbasa ng mabilis na nakapokus sa tiyak na impormasyon