Araling Panlipunan

Cards (19)

  • Pormal na nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas matapos lagdaan ni Heneral Tomoyuki Yamashita ang pagsuko ng puwersang Japan noong Setyembre 3, 1945.
  • Ipinapalagay ang Maynila bilang pangalawa sa pinakanapinsalang lungsod sa mundo noong panahon ng digmaan, sumunod lamang sa Lungsod ng Warsaw sa Poland.
  • Tinatayang mahigit P500,000,000 ang pinsalang dulot sa ekonomiya ng bansa.
  • Tumutukoy ang rehabilitasyon sa pagpapanumbalik ng normal na pamumuhay ng mga mamamayan.
  • Ang rekonstruksyon ang muling pagsasaayos ng mga pasilidad at imprastruktura ng bansa.
  • Bukod sa bagsak na kalagayan ng ekonomiya, mabigat na usapin din ang isyu ng kolaborasyon. Ito ay pagtataksil sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kaaway/kalaban.
  • Malakas ang panawagan na parusahan ang mga Pilipinong inakusahang nakipagsabwatan sa Japan tulad nina Manuel A. Roxas, Jose P. Laurel, at Jorge B. Vargas.
  • Ayon naman sa mga naakusahan, nakiisa sila sa mga mananakop upang makatulong na mapigilan ang pag-mamalabis ng mga Hapones sa mga mamamayan.
  • Gayunpaman, ang lahat ng mga suliraning ito ay tila nabalot ng liwanag dulot ng pagkakamit ng Pilipinas ng kasarinlan nito mula sa Estados Unidos. Hulyo 4, 1946 nang muling iwinagayway ang pambansang bandila habang ibinaba ang bandila ng Amerika. Ang pagkamit ng kasarinlan ng bansa ay naging hudyat ng isang bagong simula.
  • Nang lumaya ang bansa, naging mabigat na suliranin ng pamahalaan ang lumalakas na puwersa ng mga Huk o Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) at ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP).
  • Sa sistemang neokolonyalismo, ginamit ng Amerika ang lakas at impluwensiya upang maisulong ang sariling interes sa kabila ng kahinaan ng Pilipinas.
  • Ang kaisipang kolonyal ang nagbunsod sa mga Pilipino na higit na tangkilikin ang mga produkto at kaisipang dayuhan.
  • Ayon sa batas ng Tydings Rehabilitation Act o Philippine Rehabilitation Act, maglalaan ang Amerika ng $620 milyon bilang bayad-pinsala sa Pilipinas. Ang halagang ito ay nahahati sa tatlong bahagi.
    1. $120 milyon para sa mga nawasak na imprastruktura
    2. $100 milyon para sa mga sandata at kagamitang-militar na naiwan ng Estados Unidos sa bansa, at
    3. $400 milyon para sa pag-aaral ng mga piling Pilipino sa mga unibersidad sa Estados Unidos
    Nakatakda rin ang pagbibigay ng karagdagang $800 milyon bilang bayad-pinsala sa mga nawasak na ari-arian ng mga sibilyan.
  • Upang matanggap ang mga tulong ng Pilipinas mula sa Estados Unidos na nakasaad sa Philippine Rehabilitation Act, lumagda ang Pilipinas sa Bell Trade Act o ang Philippine Trade Act.
    Nakasaad sa ilalim ng kasunduang ito ang mga sumusunod:
    1. Pagtatatag ng malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos mula 1946 hanggang 1954,
    2. Pagtatalaga ng palitan ng piso at dolyar sa P2: $1, at
    3. Pagpapatupad ng parity rights o ang pagkakaloob ng pantay na karapatan sa mga Amerikano tulad ng mga Pilipino sa pagnenegosyo sa bansa.
  • Pinakamabigat na probisyon ng Bell Trade Act ang pagkakaloob ng parity rights sa mga Amerikano. Ang probisyong ito ay hindi pinapayagan sa ilalim ng Saligang Batas ng 1935. Gayunpaman, mahigpit ang pangangailangan ng bansa sa panahong ito.
  • Nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos noong Marso 14, 1947 ang Military Bases Agreement. Ayon sa kasunduang ito, may karapatan ang Estados Unidos na panatilihin ang mga base militar nito sa Pilipinas sa loob ng 99 taon.
  • Itinuturing na teritoryo at pag-aari ng Estados Unidos ang mga base kaya walang bayad ang kanilang pananatili sa Pilipinas. Ang ilan sa mga ito ang Clark Air Base at Subic Naval Base.
  • Sa ilalim naman ng Military Assistance Agreement na nilagdaan noong Marso 21, 1947, pinahihintulutan ng Pilipinas ang Estados Unidos na mag-tustos ng armas at kagamitang militar sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Sa ilalim nito, nabuo ang Joint U.5 Military Advisory Group o JUSMAG.
  • Ang Philippine Rehabilitation Act, Bell Trade Act, at mga Kasunduang Militar ay mga di-pantay na kasunduang pinasok ng bansa.