Pahina ng mga balita - mababasa rito ang mga balita ng naglalahad ng mga nagaganap sa loob ng 24 hours, mula sa pinakamahalaga hanggang sa maliliit na mga balita.
Pahina pang-editoryal - mababasa rito ang editorial, mga kolum, at editorial cartoon.
Pahina ng panlathalain - naglalaman ito ng mga artikulong tumatalakay ng malaliman sa mga usapin o isyu ng kinakaharap ng lipunan.
Pahina pang-aliw - mababasa rito ang mga komiks, horoscope, crosswords, sudoku, at mga balitang showbiz.
Pahina pampalakasan - nasusulat dito ang mga balitang ukol palakasan o sports.
Pahina ng classified ads - mababasa rito ang mga patalastas ukol sa mga ipinagbibili ng produkto; mga trabaho, orbituaryo, at iba pa. Kasama sa mga pahinang ito ang mga larawang nauugnay sa mga artikulo at mga ads.
Ang Broadsheet - ay malaking sukat ng pahayagan. Ang sukat nito ay 21 inches patayo at 12.5 inches pahalang.
Tabloid - ang maliit na sukat ng pahayagan. Karaniwang sukat nito ay 13 inches patayo at 11 inches pahalang.
Magasin - naglalaman ng mga lathalain depende sa layon ito sa partikular na isyu.
Komiks - binubuo ito ng kwento ng isinasalaysay sa tulong ng mga larawan na napakaloob sa mga frame o kuwadro at mga diyalogo ng mga tauhan na mababasa sa mga speech balloon.
Tony S. Velasquez - Siya ang itinuturing na "Ama ng Pilipinong Komiks" o "Ama ng Komiks sa Pilipinas".