Pagtukoy sa damdamin, tono, layunin, at pananaw ng teksto
Damdamin (emosyon) - saloobing nalikha ng mambabasa sa teksto (tuwa, lungkot, galit, poot, takot, paghanga, pag-ibig, humaling, pagnanasa, pagkagulat, pagtataka, pag-asa)
Tono - saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat (kawalang pag-asa, katapangan, pangamba, pagkainis, pagkayamot, mapagbiro, mapanudyo, masaya, malungkot, seryoso)
Layunin - layon o nais mangyari ng isang manunula sa kanyang mambabasa (magbigay ng inspirasyon, mangaral, mang-aliw, magbigay ng impormasyon, magbahagi ng prinsipyo)
Pananaw - tinatawag ding punto de vista, ito ay paraan ng pagtanaw ng manunulat sa kanyang akda (makikita sa mga panghalip na ginamit sa teksto)