Cards (5)

  • Florante
    Anak siya ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca, at pangunahing tauhan sa awit. Sa kaniyang gampanin magsisimula ang kuwento ng akda, noong siya ay labing-isang taong gulang pa lamang nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Sa kaniyang panauhan isinalaysay ang Florante at Laura.
  • Laura
    Siya ang anak ni Haring Linseo at katipan ni Florante. Una silang nagkakilala sa Krotona nang gawing heneral ng kaniyang hukbo si Florante ni Haring Linseo.
  • Aladin
    Siya ay prinsipe ng Persya, at kasintahan ang isang nagngangalang Flerida. Sa kabila ng pagiging Moro, naging magkaibigan sila ni Florante nang iligtas niya ito mula sa mga leon.
  • Flerida
    Siya ang inagaw ni Sultan Ali-Adab, ang ama ng kaniyang kasintahang si Aladin. Hindi tulad ni Laura na isang mahinhin, si Flerida ay marunong makipaglaban gamit ang palaso.
  • Adolfo
    Siya ang pangunahing antagonista ng kuwento. Una silang nagkatagpo ni Florante bilang mga mag-aaral sa Atenas. Siya ang pinakamagaling na mag-aaral bago dumating si Florante. Ito ang unang nagdulot ng pagkasuklam ni Adolfo kay Florante. Bukod doon, may gusto rin siya kay Laura at naghahangad na mapasakaniya ang kaharian ng Krotona.