Meron maitim na buhok, singkit na mga mata, at matangos na ilong
Madalas nagtatrabaho at pagnganga na dahilan ng pagtambok ng kaniyang pisngi
Tinitingala dahil isa sa pinakamayamang mangangalakal sa Binondo
May maraming lupain at ari-arian sa iba’t-ibang lugar
Naniniwala sa pagiging malapit sa Diyos at sa simbahan base sa magandang gawa
Kapitan Tiago hindi nagdadasal kahit na may matinding pangangailangan, dahil pera ang kaniyang pinagdarasal
Sa tirahan ni Kapitan Tiago, may magandang kapilya na puno ng santo’t santa
Sa taunang parangal sa Birhen ng Antipolo, si Kapitan Tiago ang karaniwang gumagasta ng malaki para balikatin ang halaga ng dalawang misa na kinapapalooban ng mga awitin, kwitis, at paputok
Si Kapitan Tiago ay may handang orkestra na bumabati at humaharana sa mga kaarawan ng Kapitan Heneral, alkalde at mga piskal
Kapitan Tiago ay nag-iisang anak ng isang mayamang mag-asawa na ayaw gastusan ang kanyang edukasyon
Napilitan si Kapitan Tiago mamasukan sa isang Dominikong pari noong siya ay musmos pa lang, at umalis sa simbahan nang mamatay ang pari
Pinayuhan si Kapitan Tiago ni Padre Damaso na magpunta sa Obando, sumayaw at humingi ng isang sanggol na lalaki sa piyesta ni San Pascual Bailon
Dahil sa payo, nagdalang tao si Donya Pia, ngunit isang napakaselang paglilihi ang dinanas niya, na nagdulot ng kanyang pagkamatay
Naiwan ni Donya Pia ang isang magandang sanggol na babae
Ang kuwento ni Maria Clara:
Isinilang sa piyesta ni San Pascual Bailon
Donya Pia, dahil sa payo, ay nagdalang-tao
Naranasan niya ang isang napakaselang paglilihi
Naging malungkutin at nawala ang dating matamis na ngiti
Isang napakataasnalagnat ang dumapo, na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay
Iniwan niya ang isang magandang sanggol na babae, pinangalanan Maria Clara bilang pasasalamat kina Nuestra Señora deSalambao at SantaClara
Maria Clara:
Ninong: Padre Damaso, kaibigan at tagapayo ng mag-asawa
Lumaki sa pangangalaga ni TiyaIsabel
Nanirahan sa SanDiego, tuwang-tuwa si Padre Damaso sa kaniya
Ipinasok sa kumbento ng Santa Catalina nang magdalaga, kailangan matutunan ang istriktong pag-aaral kung paano maging relihiyosa
Malungkot na nagpaalam kay Padre Damaso at kay Ibarra, kaibigan simula pagkabata
Pitong taon sa kumbento, paminsan-minsan lang makausap ang mga tagalabas sa pamamagitan ng mga siwang ng rehas na bakal
Nang pumasok sa beateryo si Maria Clara, si Crisostomo Ibarra naman ang umalis
Hindi mababago ng pera o ng anumang uri ng kapangyarihan ang pagkatao ng isang nilalang, magbihis ka man ng ginto sa loob ay tanso ka pa rin