Pagtatalop - ito ay pag-aalis ng balat ng gulay o prutas na ang balat ay nakadikit sa laman tulad ng patola, singkamas, kalabasa, at patatas.
Pagbabalat - ito ay pag-aalis ng balat ng gulay at prutas na ang balat ay bahagyang nakahiwalay sa laman tulad ng saging, manggang hinog, dalandaan, at nilagang patatas.
Paghihiwa - ito ay pagpuputol-putol ng mga pagkaing tulad ng isda, karne, manok, at gulay sang-ayon sa sukat at hugis na hinhingi ng resipe.
Paghihimay - ito ay paghihiwalay upang maging maliit o pino.
Pagdidikdik - ito ay pagbabayo sa almires ng mga sangkap tulad ng bawang, mani, at ulo ng hipon upang makuha ang katas nito.
Paggadgad o pagkudkod - ito ay pagkayod sa mga pagkaing tulad ng keso, papayang hilaw, buko, at niyog.
Paggigiling - ito ay pagdurog nang pino sa mga pagkain tulad ng karne, carrot, at bigas sa pamamagitan ng gilingan.
Pagkakaliskis - ito ay pag-aalis ng kaliskis ng isda sa tulong ng kutsilyo o fish scaler.
Pagtatadtad - ito ay pagpipino ng pagkain sa tulong ng kutsilyong panadtad tulad ng tinadtad na sibuyas at kintsay.
Pagsasala - ito ay paghihiwalay ng likido katas o sabaw sa pira-piraso o buong laman ng pagkain sa tulong ng salaan o colander.
Pagbababad - ito ay paglulubog ng pagkain tulad ng karne sa tinimplang sangkap upang mgaing malasa.
Pagbabati - ito ay pagdaragdag ng hangin sa hinahalong pagkain tulad ng itlong upang maging makinis at magaan ito.
Pagtitimpla - ito ay pagdaragdag ng asin, patis, toyo, suka, o paminta upang magkaroon ng lasa ang niluluto.
Pagsusukat - ito ay paggamit ng mga kutsara at tasang sukatan upang matiyak ang dami ng sangkap na hinihingi ng resipe.