Espiritwalidad - pagkakaroon ng diwa kung ang espiritu ng tao ay sumasalamin sa kaibuturan ng kanyang buhay kasama ang kanyang— kilos, damdamin, at kaisipan.
Anuman ang relihiyon ng isang tao, ang espiritwalidad ang pinakarurok na punto kung saaan niya nakatagpo ang Diyos
Pananalampalataya - personal na ugnayan ng tao sa Diyos, isa itong malayang pasiya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng presensya ng Diyos sa ating buhay at pagkatao
Pananalampalataya - isang biyaya na maaaring malayang tanggapin o tanggihan
Sa pananalampalataya:
Naniniwala at umaasa ang tao sa mga bagay na hindi nakikita
Itinatalaga ng tao ang kanyang paniniwala at pagtitiwala sa Diyos.
Inaamin nya ang kanyang limitasyon at kahinaan dahil naniniwala syang anuman ang pagkukulang sa kanya ay pupunuan ng Diyos.
Ang pananalampalataya, tulad ng pagmamahal ay dapat ipakita sa gawa, ito ay pagsasabuhay ng tao sa kaniyang pinaniniwalaan.
Ang espiritwalidad ang pinakarurok na punto kung saan nya nakatagpo ang Diyos.
Ang pananalampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos.
Ang espiritwalidad ng tao ay galing sa kanyang pagkatao.
Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos.
Mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos:
Affection - pagmamahal bilang magkapatid, lalo na sa mga magkapamilya o maaring sa mga taong nagkakilala at naging malapit o palagay na ang loob sa isa't isa
Philia - pagmamahal ng magkaibigan, mayroon silang iisang tunguhin o nilalayon na kung saan sila ay magkaugnay
Eros - pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao, kung ano ang makapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang sarili, tumutukoy sa pisikal na nais ng tao
Agape - pinakamataas na uri ng pagmamahal, pagmamahal na walang kapalit, tulad ng pagmamahal ng Diyos sa tao