PAGPIPINTA

Cards (3)

  • Michelangelo Bounarotti (1475-1564). Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance, ang una niyang obra maestra ay ang estatwa ni David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kuwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdaigan hanggang sa pagbaha. Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta, isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng Kaniyang Krusipiksyon.
  • Leonardo da Vinci (1452-1519). Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang "Huling Hapunan" (The Last Supper), na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang Kaniyang labindalawang disipulo. Isang henyong maraming nalalaman sa iba't ibang larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at pilosoper.
  • Raphael Santi (1483-1520). "Ganap na Pintor", "Perpektong ng Pintor". Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balanse o proporsiyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang Obra Maestrang "Sistine Madonna", "Madonna and the Child" at "Alba Madonna."