Nicolas Copernicus (1473-1543). Inilahad ni Nicolas ang Teoryang Heliocentric; "Sa pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta, umiikot ito sa paligid ng araw." Pinasungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik ng simbahan.