Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon. Iba ito sa patriyotismo dahil isinaalang-alang nito ang kalikasan ng tao. Kasama rin dito ang pagkakaiba ng wika, kultura at relihiyon na kung saan tuwiran nating binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.