Kompan 2

Cards (35)

  • Nahahati ang kasanayan sa tatlong bahagi, Ano ano ito?
    Bago Magbasa
    Habang Nagbabasa
    Pagkatapos Magbasa
  • Habang Nagbabasa
    Sa bahaging ito, lumalawak ang bokabularyo ng mambabasa. Dito gumagalaw ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon dahil pinoproseso nito ng sabay-sabay ang mga detalyeng nadedecode ng isip.
  • Apat na mahalagang isagawa pagkatapos magbasa
    Pagtatasa ng komprehensiyon
    Pagbubuod
    Pagbuo ng Sintesis
    Ebalwasyon
  • Opinyon
    mga pahayag na pagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao
  • Layunin
    ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto
  • pananaw
    ay ang pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto
  • damdamin
    ay ang ipahiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto
  • paraphrase
    ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa.
  • Abstrak
    naman ay isang buod ng isang pananaliksik o tesis, o kaya ay tala ng isang komperensiya o anomang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan.
  • MTB-MLE
    Abtrak na isunulat ni Crizel P. Sicat-De Laza
  • rebyu
    naman ay isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat nito.
  • Renato Constantino
    Sino ang gumawa ng rebyu ng "Neo-Colonial Identity and Counter Consciousness"
  • Bago Magbasa
    Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin, ang pagsusuri ng panlabas na katangiang teksto ay mahalaga upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa uri at genre ng teksto o kung kinakailangan ba ito ayon sa itinatakdang layunin ng pagbasa.
  • previewing o surveying
    ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng aklat, sa bahaging ito iniiugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang basahin. Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat. Ito ang pagsisimula ng kognitibong proseso.
  • Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
    Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa batay sa hirap ng teksto at personal na kakayahan sa pagbasa.
  • Biswalisasyon ng binabasa
    ito ay kasanayang bumubuo ng imahen sa isip gamit ang mga impormasyong mababasa, madalas na ginagawa ito lalo na ang paakdang pasalaysay ng binabasa.
  • Pagbuo ng koneksyon
    pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na kaalaman upang matiyak ang komprehensiyon. Naipapakita rito ang koneksyon ng prior knowledge at ang kasalukuyang iniiterpret ng isip habang nagbabasa. Nadaragdagan, o nagbago ang mga ito depende sa koneksyon ng bawat isa.
  • Paghihinuha
    pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman upang bumuo ng mga pahiwatig at kongklusyon sa kalalabasan ng teksto. Natututo tayong makapagisip ng mga posibling pahiwatig at konklusiyon sa ating binabasa.
  • Pagsubaybay sa komprehensiyon
    pagtukoy sa mga posibleng kahirapan sa pagbasa ng teksto at paggawa ng mga hakbang upang masolusyonan ito. halimbawa, kung may isang salitang mahalaga at susi upang maunawaan ang buong teksto, maaaring sumangguni sa diksyunaryo ang mambabasa. nakapapaloob dito ang paggamit ng mga reference kung may mga hindi nauunawaan na bahagi ng tekstio katulad ng dictionaryo at iba pa.
  • Muling Pagbasa
    isang bahagi o kabuuan ng teksto kung kinakailangan kapag hindi ito naunawaan.
  • pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto
    paggamit ng iba't ibang estratehiya upang alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita batay sa iba pang impormasyon sa teksto.
  • sinisimulan ng isang aktibong magbabasa ang paglilipat ng sa matagalang memorya sa pamamagitan ng :
    Elaborasyon
    organisasyon
    pagbuo ng biswal na imahen
  • Elaborasyon
    ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyong natutuhan mula sa teksto
  • Organisasyon
    ay pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng ibat ibang bahagi ng impormasyon na nakuha sa teksto
  • pagbuo ng biswal na imahen
    ay paglikha ng mga imahen at larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa.
  • Pagkatapos Magbasa
    upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pag-alala sa teksto kahit natapos na ang proseso ng pagbasa
  • mahalagang isagawa ng isang mambabasa ang sumusunod:
    pagtatasa ng komprehensiyon
    pagbubuod
    pagbuo ng sintesis
    ebalwasyon
  • Pagtatasa ng komprehensiyon
    sagutin ang iba't ibang tanong tungkol sa binasa upang matasa ang kabuuang komprehensiyon o pag-unawa sa binasa.
  • pagbubuod
    sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat ang pangunahing ideya at detalye sa binasa.
  • Pagbuo ng sintesis
    halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit bukod sa pagpapaikli ng teksto, ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pag-unawa.
  • Ebalwasyon
    Pagtatayaa ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga impormasyong nabasa sa teksto. Sa bahaging ito, tinutukoy niya rin kung ano ang halaga at ugnayan ng teksto sa layunin ng pagbasa
  • habang nagbabasa
    sa bahaging ito, sabay-sabay na pinapagana ng isang mambabasa ang iba't ibang kasanayan upang lubusang maunawaan ang teksto.
  • pagkatapos magbasa
    upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pag-alala sa teksto
  • bago magbasa
    sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin at kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto.
  • katotohanan
    ay mga pahayag na maaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirical na karanasan pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.