Mga estruktura, institusyon at mekanismo na batayan sa pagsasagawang ng mga Gawain pamparoduksiyon upang agutan ang mga pangunahing katanungan pang-ekonomiya
Mga Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
Tradisyonal na Ekonomiya
Market na Ekonomiya
Piyudalismo
Merkantilismo
Kapitalismo
Command na Ekonomiya
Komunismo
Sosyalismo
Pasismo
Tradisyonal na Ekonomiya
Sinasagot ang mga suliraning pang-ekonomiya sa pamamagitan ng mga tradisyon, paniniwala, kagawian at patakaran ng lipunan
Walang karapatan ang mga mamamayan na magdesisyon sa mga uri ng produkto at serbisyo na gusto nilang matamo, bagkus, ang lipunan ang siyang nagdedesisyon sa mga produkto at serbisyo na gagawin at ipamamahagi
Market na Ekonomiya
Ang pagdedesisyon sa sistemang ito ay isinasagawa ng indibidwal at pribadong sektor
Ang market o pamilihan ay nagpapakita ng organisadong transaksyon sa pagitan ng konsyumer at nagbebenta
Piyudalismo
Mayroong kinalaman sa pagmamay-ari ng lupa
Pinagkakalooban ng lupa ang mga taong naglilingkod sa nagmamay-ari ng lupa na kung tawagin ay feudal lord
Vassals- ang tawag sa mga taong nagkakaloob ng serbisyo at nagbibigay proteksyon sa feudal lord
Fief - ang lupang ipinagkakaloob ng feudal lord sa vassal bilang kabayaran sa serbisyo at proteksyon
Manor - ang sentro ng agrokultural na gawain noong panhon ng sistemang manorial
Serf - nagsasagawa ng pagbubungkal ng lupa
Merkantilismo
Ang sistemang umiral sa Europe sa pagitan ng ika-15 at ika-18 na siglo kung saan ang batayan ng kapangyarihan ng bansa ay sa dami ng supply ng ginto at pilak
Hinigpitan ang control ng pamahalaan sa pambansangekonomiya upang matiyak ang supply ng hilaw na materyales
Ginawa ang paglilikom ng maraming pilak at ginto sa pamamagitan ng pananakop sa mga mas mahihinang bansa
Kapitalismo
Ang pagmamay-ari ng yaman at produksyon ay nasa Kamay ng mga indibidwal at pribadongsektor
Ang sinumang indibidwal ay may kalayaangmagnegosyo na hindi labag sa batas, magtakda ng presyo, at lumikha ng ninanais na produkto
Adam Smith
Tinaguriang "Ama ng Makabagong Ekonomiks"
Sumulat ng "An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations" na tungkol sa gagampanan ng pamahalaan sa pamamahala ng ekonomiya
Isinulat na ang hangaring tumubo at kompetisyon ang nagpapasigla sa ekonomiya
Laissez Faire - doktrinang ni Adam Smith na nagsasabing ang pamahalaan ay hindi dapat makialam sa pagpapaulad at pagpapatakbo ng mga indibidwal sa kanilang industriya at negosyo
Command na Ekonomiya
Ang estado ang may responsibilidad sa pagsagot sa mga suliraning pang-ekonomiya
Ang pagpapasiya ukol sa mga gawaing pang-ekonomiya ay isinasagawa ng estado at inaasahan na ang mga mamamayan ay susunod sa mga naging desisyon
Komunismo
Ang estado ang nagmamay-ari at kumokontrol sa yaman ng bansa at produksyon
Pangkabuhayan ng pamahalaan na isinasagawa ng isang Central Planning Board
Ipinagbabawal ang pribadong pagmamay-ari ng mga industriya
Karl Marx at Friedrich Engels
Ang unang bumalangkas sa teorya ng komunismo sa mga aklat na "Communist Manifesto at "Das Kapital
Naniwala na magbubunga ang tunggalian ng uri (Class Conflict) ng isang lipunang walang-uri (Classless Society) at mabibigyan ng kapangyarihan ang mga manggagawa na tinawag nilang Proletariat
Sosyalismo
Pinaghalong ekonomiya dahil sa pag-iral ng command at market na ekonomiya
Ang estado ang humahawak at kumokontrol sa mga pangunahing industriya at ang mga mamamayan ay pinapayagan na magmay-ari ng maliit na negosyo na maaaring pakialaman ng estado
Hangarin nito ang pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan
May welfare state na siyang nagbibigay daan upang ang mga pangangailangan ng lahat ng tao ay maibigay ng pamahaalan
Pasismo
Ang mga yaman at industriya ay kontrolado at pagmamay-ari ng estado na pinamumunuan ng isang diktador
Ang produksyon ay naaayon sa pangangailangan ng ekonomiya kaya't ang bawat indibidwal ay walang karapatang magreklamo at sumuway sa itinadhana ng batas ng estado
RebolusyongIndustriyal - ang nagbigay-daan sa pagkilala ng mga karapatan ng pribadong sektor sa pagpapaunlad ng industriya
Pasismo is an economic and political system started by Benito Mussolini in Italy in 1922