Ang pagkakaroon ng kaalaman mula sa bunga ng mga pananaliksik ay nagpapalalim sa pagkakakilanlan din ng tao sa kaniyang sarili at sa paligid na kaniyang ginagalawan
Sa pamamagitan ng mga bunga ng pananaliksik, natutulungan nito ang mga tao na magkaroon ng buhay na mas maginhawa at kapaki-pakinabang
Mas nagiging produktibo ang mga indibiduwal na siya namang nakatutulong sa pagkamit ng pambansang kaunlaran
Rasyunal: Nagsasaad ng pinagmulan ng kaisipan, dahilan ng pagkapili ng paksa, at kahalagahan at kabuluhan nito
Rasyunal: Ito ay bahagi ng konseptong papel na nagsasalaysay kung saan nagmula (GAP) ang ideya ng paksa. Sinasagot nito ang tanong kung bakit mo napili (IDEYA SA PAG-AARAL) ang paksang pag-aaralan. Kung hindi ka man maglahad ng personal na dahilan, dito mo maaaring isaad kung bakit mahalaga at bakit makabuluhan (KONTRIBUSYON) ang iyong paksa
Templeyt 3
Layunin: Nakapaloob dito ang tunguhin ng pag-aaral. Nahahati ito sa dalawa—ang pangkalahatang layunin o ang kabuuang layunin ng pananaliksik at ang mga tiyak na layunin para sa napiling paksa. Madalas ang pakay ng karamihan ng pananaliksik ay makapagbigay linaw sa isang research
Pangkalahatang Layunin: Tumatalakay sa malawak at masaklaw na tanong na nais sagutin ng pananaliksik, maaaring maglaman ng hypothesis o thesis na pangungusap ng pananaliksik
Tiyak na Layunin: Tumatalakay sa sagot sa mga tiyak na tanong na may kinalaman sa mga pinag-aralang variable sa isinagawang pananaliksik, inilalarawan ang mga tiyak na sagot na nais hanapin ng mananaliksik mula sa kinakalap niyang datos at impormasyon