[11] P&P - Tekstong Impormatibo

Cards (13)

  • Tekstong Impormatibo - babasahing di piksiyon; naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa; nakabase sa katotohanan; makikita sa balita, magasin, textbook, encyclopedia
  • Elemento ng Tekstong Impormatibo
    1. Layunin ng may-akda
    2. Pangunahing Ideya
    3. Pantulong na Kaisipan
    4. Mga Estilo sa Pagsulat
  • Layunin ng may-akda - kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon; upang mapalawak pa ang kaalaman, maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag, at matuto ng maraming bagay ukol sa adting mundo; magsaliksik; at mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba't ibang uri ng hayop
  • Pangunahing Ideya - nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi (tinatawag din itong organizational markers); nakatutulong makita agad at malaman ng mambabasa sa babasahin
  • Pantulong na Kaisipan - upang makatulong mabuo sa isipan ng mababasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila
  • Mga Estilo sa Pagsusulat - paggamit ng mga nakalarawang representasyon, pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto, pagsulat ng mga talasanggunian
  • Paggamit ng mga nakalarawang representasyon - paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan, timeline, at iba pa
  • Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto - mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi
  • Pagsulat ng mga talasanggunian - mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit
  • Mga Uri ng Tekstong Impormatibo
    1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari / Kasaysayan
    2. Pag-uulat Pang-impormasyon
    3. Pagpapaliwanag
  • Paglalahad ng Totoong Pangyayari / Kasaysayan - inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon
  • Pag-uulat Pang-impormasyon - Nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyong patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligit; nangangailangan ng masusing pananaliksik; teknolohiya, global warming, cyberbullying, etc.
  • Pagpapaliwanag - nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari; makita kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan; karaniwan ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart namay kasamang mga paliwanag