[11] P&P - Tekstong Deskriptibo

Cards (13)

  • Subhetibo - kung ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang imahinasyon at hindi sa katotohanan
  • Obhetibo - pinagbatayang katotohanan
  • Tekstong Deskriptibo - isang larawang ipininta o iginuhit; mga salita ang ginagamit upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan; mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit; inilalarawan ang tauhan, tagpuan, kilos o galaw, o anumang bagay na nais mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa; karaniwang bahagi ng ibang teksto
  • Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa pagsulat ng Tekstong Deskriptibo
    1. Reperensiya (Reference)
    2. Substitusyon (Substitution)
    3. Ellipsis
    4. Pang-ugnay
    5. Kohesyong Leksikal
  • Reperensiya - paggamit ng salitang maaaring tumukoy o maging reperesensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap
  • Anapora - kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy
  • Katapora - nauna ang panghalip at malalaman kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa
  • Substitusyon - paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita
  • Ellipsis - may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa
  • Pang-ugnay - karaniwang ginagamit ang salitang "at" sa pag-uugnay ng pangungusap
  • Kohesyong Leksikal - mayroong dalawang uri (reiterasyon at kolokasyon)
  • Reiterasyon - kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses; pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, pagbibigay-kahulugan
  • Kolokasyon - mga salitang karaniwang nagagamit nang magkaparehas o may kaugnayan sa isa't isa kaya't kapag nababanggit ang isa ay naiisip din ang isa