EUROPE – Ang same sex marriage ay legal sa Austria, Belgium, Denmark, Finland, France, Germany, Iceland, Ireland, Malta, Netherlands, Norway, Luxembourg, Portugal, Spain, Sweden at United Kingdom. Napagpasyahan ng European Court of Human Rights na hindi obligahin ang mga kasapi ng European Convention on Human Rights na gumawa ng batas para gawing legal o kilalanin ang same-sex marriage. Marami parin sa Erope ang naniniwala na ang kasal ay unyon lamang sa pagitan ng isang lalaki at isang babae.