Ayon sa United Nations Children’s Fund o UNICEF, humigit kumulang 11 Pilipinong ina araw-araw o tinatayang 4,500 kada taon ang namamatay dahil sa panganganak. Madalas ito ay naiuugnay sa kahirapan, kakulangan sa nutrisyon, maagang pag-aasawa, kawalan ng sapat na edukasyon tungkol sa kalusugan at pagpapamilya, at kakulangan sa suportang medikal.