epal

Cards (44)

  • Scanning
    Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa
  • Intensibong Pagbasa (narrow reading)

    Pagsusuri sa gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalye sa estraktura para maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang sulatin
  • Extensibong Pagbasa
    Isinasagawa para makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto
  • Pagbasa
    Pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan, at pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo
  • Pagtamo ng kaalaman
    Unang hakbang sa pagtatamo ng kaalaman, tumutukoy sa kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakasulat, kaya napapanahong hakbang ang paghikayat sa mga tao sa makabuluhang pagbasa at pag-aanalisa
  • Paksa
    Kaisipanang paulit-ulit at binibigyang pokus at iniikutan ng mga pangungusap o bahagi na bumubuo sa teksto
  • Antas ng Pagbasa
    • Primariya
    • Mapagsiyasat
    • Analitikal
    • Sintopikal
  • Skimming
    Mabilisang pagbasa na layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat
  • Pananaliksik
    Sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa
  • Uri ng Tekstong Impormatibo

    • Tekstong Impormatibo
    • Tekstong Deskriptibo
    • Tekstong Persweysib
    • Tekstong Naratibo
    • Tekstong Argyumentatibo
    • Tekstong Prosidyural
  • Paksang Pangungusap
    (Topic Sentence) na siyang pinaka-pokus o pangunahing tema sa pagpapalawak ng ideya
  • Sanhi at bunga
    Naglalahad ng ugnayan ng mga pangyayari, nagpapakita ng direktang relasyon sa pagitan ng bakit nangyari ang pangyayari (sanhi) at kung ano ang naging resulta nito (bunga)
  • Pagbibigay ng depinisyon
    Ipinapaliwanag ng manunulat ang kahulugan ng isang salita, terminolohiya, o konsepto
  • Paghahambing
    Nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakatulad sa pagitan ng kahit anong bagay, konsepto, at maging pangyayari
  • Tekstong Impormatibo
    Nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Karaniwang sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano’
  • Suportang Detalye
    Gumagabay na bigyang daan ang pagpapalawak sa ideya ng paksang pangungusap
  • Pagtutulad (Simile)

    • paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao o pangyayari
  • Paglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan
    Pagsasalaysay ng mahahalagang kaganapan sa nakaraan, kasalukuyan, o iba pang panahon
  • Paghihimig/onomatopeya (Onomatopoeia)

    • imitasyon ng tunog ng bagay o pangyayari
  • Masining na Paglalarawan
    Gumagamit ng mga tayutay o di-literal na paglalarawan upang mapukaw ang guni-guni o imahinasyon ng mambabasa sa tiyak na larawang nilikha ng may-akda
  • Pagsasatao/personipikasyon (Personification)

    • paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay
  • Obhetibo
    Paglalarawan na hindi ginagamitan ng sariling emosyon o pagpapahayag ng sariling paghahatol
  • Pagwawangis/metapora (Metaphor)

    • tuwirang paghahambing na hindi na kailangan gamitan pa ng mga katagang naghahayag ng pagkakatulad
  • Paglilista ng Klasipikasyon
    Malawak na paksa ay hinahati sa iba’t ibang kategorya upang magkaroon ng sistema ang talakayan
  • Subhetibo
    Paglalarawang nagbibigay ng sariling impresyon sa bagay na inilalarawan, ayon sa kaniyang nakikita o nadarama upang mapukaw ang emosyon ng mambabasa
  • Tekstong Deskriptibo
    Nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa katangian ng isang tao, lugar, bagay, o pangyayari
  • Pagmamalabis/hayperboli (Hyperbole)
    • eksaheradong paglalarawan kung kaya hindi literal ang pagpapakahulugan
  • Teknikal na Paglalarawan
    Gumagamit ng akma o teknikal na mga salita upang makapagbigay ng eksaktong representasyon sa mga bagay-bagay at pangyayaring inilalarawan
  • ETHOS
    Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat
  • Pagmamalabis/hayperboli
    • Eksaheradong paglalarawan kung kaya hindi literal ang pagpapakahulugan
  • Bandwagon
    • Hinihikayat ang mga tao na sumunod sa karamihan sa paggamit ng produkto o serbisyo
  • Glittering Generalities
    • Pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakakasilaw, at mabubulaklak na salita o pahayag
  • HALIMBAWA NG TEKSTONG PERSUWEYSIB
    • Talumpati
    • Patalastas
    • Propaganda sa Eleksyon
  • Unang Panauhan
    Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na "AKO"
  • Paghihimig/onomatopeya
    • Paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan nito
  • TEKSTONG PERSUWEYSIB
    • Naglalayong makapangumbisi o makapanghikayat sa tagapakinig, manonood o mambabasa
  • Name Calling
    • Ang hindi magagandang puna o taguri sa isang tao o bagay
  • Card Stacking
    • Pagsasabi ng magandang puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito
  • Transfer
    • Paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto
  • Pagsasatao/personipikasyon
    • Paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay