Mga Uri ng Teksto

Cards (39)

  • Nagmula sa salitang Ingles na “Inform”
    Impormatibong Teksto
  • Sa tekstong ito inilalahad ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa
    Impormatibong Teksto
  • Sa bahaging ito nagkakaroon ng panibagong kaalaman ang mga mambabasa sa impormasyong ibinabahagi ng may-akda.
    Impormatibong teksto
  • Ang layunin nito ay magbigay ng impormasyon o magpaliwanag ng malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
    Impormatibong Teksto
  • Ang mga impormasyon at kabatiran ay hindi nakabase sa opinyon ng may-akda kundi sa katotohanan
    Impormatibong Teksto
  • Karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita,sa mga magasin, textbook sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia, gayundin sa mga mapagkakatiwalaang website sa internet
    Impormatibong Teksto
  • Laging may nadadagdag na bagong kaalaman o kaya’y napapayaman ang dating kaalaman ng taong nagbabasa nito.
    Impormatibong Teksto
  • Elemento ng Tekstong Impormatibo: Maaring magkakaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat. Maaaring ang layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa.
    Layunin ng may-akda
  • Elemento ng Tekstong Impormatibo: Dagliaang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi
    Pangunahing Ideya
  • Elemento ng Tekstong Impormatibo: Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang mga pangunahing ideyang nais matanim o maiwan sa kanila.
    Pantulong Kaisipan
  • Pang-apat na elemento ng Tekstong Impormatibo
    Mga istilo sa pagitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang diin
  • Bahagi ng Tekstong Impormatibo: Ito ay tumatawag ng pansin sa mga mababasa at nagpapahiwatig ng nilalaman ng teksto.
    Panimula
  • Bahagi ng Tekstong Impormatibo: Sa bahaging ito natitipon ang lahat ng magkaugnay na pangungusap na nagpapaliwanag o naglalahad ng paksa.
    Katawan
  • Bahagi ng Tekstong Impormatibo: Sa bahaging ito iniiwan ang isang diwa o mensaheng nais ihatid sa mambabasa
    Wakas
  • Ito ang paglalarawan ng pisikal na katangian ng mga tauhan, lugar at mga bagay na binibigyang-halaga sa kwento.
    Deskriptibong Teksto
  • Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karansan, sitwasyon at iba pa.
    Deskriptibong Teksto
  • Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aarl na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karasasan.
    Deskriptibong Teksto
  • Nagbibigay ang sulatin na ito ng pagkaaktaon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na pahayag.
    Deskriptibong Teksto
  • Layunin nito na magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na makakapukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa
    Deskriptibong Teksto
  • Ito ay isang uri ng paglalahad, naisasagawa rin ito sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon
    Deskriptibong Teksto
  • Uri ng Deskriptibong Teksto: Kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.
    Karaniwan
  • Uri ng Deskriptibong Teksto: Kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng mayakda. Gumagamit ng pang-uri pang-abay tayutay at idyoma.
    Masining
  • Ito ay tumutukoy sa tekstong naglalahad ng katotohanan o impormasyon tungkol sa mga pangyayaring naganap, nagaganap o magaganap pa lamang
    Tekstong Naratibo
  • Ito ay karaniwang kronolohikal o nakabatay sa pagkakasunodsunod ng mga pangyayari, bagamat sa tekstong literi, madalas naman ang paggamit ng flashback
    Tekstong Naratibo
  • Bagamat karaniwa’y katotohanan at impormasyon ang nilalaman nito,maari rin naman sumulat nito ay nagsasalaysay ng mga pangyayaring pawing kathang-isip lamang
    Tekstong Naratibo
  • Ito ay ginagamit din sa mga ulat na naglalahad ng mga aktibidad ng isang kumpanya o organisasyon,testimonya ng saksi sa isang krimen o pangyayari, tala o record ng mga obserbasyon ng isang doktor, puna o mungkahi ng guro sa report card ng estudyante, at iba pang katulad nito
    Tekstong Naratibo
  • Nagbibigay ang may akda ng sapat na pagpapatunay o katibayan sa paksang tinatalakay upang mahikayat ang mambabasa na paniwalaan o tangkilikin ito.
    Tekstong Persuweysib
  • Layunin nito na kumbinsihin, hkayatin, o himukin ang mababasa na suportahan o sang-ayunan ang paksa, sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa manunulat
    Tekstong Persuweysib
  • Mga pahayag na makaakit sa damdamin at isipan ng mambabasa.
    Tekstong Persuweysib
  • Mga pangangatwirang hahantong sa isang lohikal na konklusyon
    Tekstong Persuweysib
  • Mga dokumentong buhat sa mga pag-aaral at pananaliksik upang higit na maging kapani-paniwala at may kredibilidad ang paglalahad.
    Tekstong Persuweysib
  • Naglalahad ng isang proposisyon ang may-akda na kakikitaan ng isang matibay na ideya at makabuluhang detalye upang mahikayat ang mambabasa na tanggapin at suportahan ang inihain na proposisyon.
    Tekstong Argumentatibo
  • Nag iisaisa ng mga serye sa paggawa ng isang bagay o produkto.
    Tekstong Prosidyural
  • Naglalayon itong ipabatid ang wastong mga hakbang o magbigay ng kaalaman sa maayos na pagkakasunod-sunod ng isang gawain
    Tekstong Prosidyural
  • Ito ay tumutugon kung paano sinisimulan at tinatapos ang isang bagay
    Tekstong Prosidyural
  • Bahagi ng Tekstong Prosidyural: Ano ang gusto mong kalabasan pagkatapos gawin ang proseso
    Panimula
  • Bahagi ng Tekstong Prosidyural: Ano-ano ang mga kakailanganin? Siguraduhin na tiyak o may sukat/bilang ang kasangkapan.
    Materyales
  • Bahagi ng Tekstong Prosidyural: Siguraduhin na sunod-sunod ang ibibigay na pamamaraan.
    Hakbang sa paggawa
  • Bahagi ng Tekstong Prosiyural: Ito ay maikling pangungusap na tungkol sa mga ibapang maaaring ipayo o mga babala sa mga gagamitin na materyales
    Kunklusyon