FIL Res 2

Cards (21)

  • Ayon kay James Macaranas (2016), ang pagsulat bilang isang gawaing pantao ang naging dahilan kung bakit taglay pa rin natin ang aral ng kahapon. Bawat likhang komposisyon ay maituturing na isang obra. Dahil ang angking kariktan nito ay sining na tagapaglantad ng katotohanan ng buhay. Maging ito man ay nakapagpapalasap sa atin ng pait o nagdudulot ng kaligayahan.
  • URI NG SULATIN
    1. Pansariling sulatin - Sulating pumapaksa at may kinalaman sa personal na buhay ng may akda. ex. diary, autobiography.
  • URI NG SULATIN
    2. Malikhaing sulatin - mga akdang pampanitikan gaya ng tula, sanaysay, nobela, maikling kwento at iba pa.
  • URI NG SULATIN
    3. Transaksyunal na Sulatin - Binibigyang pansin ang mensaheng ipinahahatid. Pormal at maayos ang pagkakabuo.
  • URI NG SULATIN
    4. Sulating Pananaliksik (akademiko) - nagpapakita ng kalutasan sa isang suliranin na naging pokus ng pag-aaral. Dumaan sa siyentipikong pamamaraan at ebalwasyon.
  • KATANGIAN NG SULATIN
    1. Kaisahan - mga pangungusap ay umiikot sa iisang diwa. Walang kaisahan ang talata kung watak-watak ang ideyang ipinapahayag ang bawat pangungusap. Kailangang lahat ng pangungusap ay magkakaugnay.
  • KATANGIAN NG SULATIN
    2. Koherens - Ugnayan ng mga ideya. Coherence is about making everything flow smoothly. The reader can see that everything is logically arranged. Relevance to the central focus of the essay is maintained throughout
  • KATANGIAN NG SULATIN
    3. Kalinawan – direktibo at sistematiko.
  • KATANGIAN NG SULATIN
    4. Kasapatan – sapat ang detalye, paliwanag at ebidensya para suportahan ang paksang tinatalakay.
  • KATANGIAN NG SULATIN
    5. Empasis – nabibigyang diin ang mahahalagang punto.
  • KATANGIAN NG SULATIN
    6. Kariktan – paggamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang damdamin ng mambabasa.
  • HAKBANG SA PAGSULAT
    1. BAGO SUMULAT (Pre-writing)
    • Pagpili ng paksa
    • Pagtitipon ng datos
    • Paglista ng ideyang isasama
    • Pagbuo ng bagong ideya
  • HAKBANG SA PAGSULAT
    2. PAGSULAT (Writing)
    • Pagtanggap ng fidbak/pagsangguni
    • Pagbuo ng burador/draft
    • Pagsasaaalang-alang sa mga patnubay sa pagsulat
    • Pagsisimula ng pagsulat
  • HAKBANG SA PAGSULAT
    3. PAGREBISA (Editing)
    • Pagtingin sa kawastuhan (sintaks, grammar, bantas, format)
    • Pag-aayos/pagpapabuti sa bagay na tiningnan at paglalagay ng mga simbolo na ginamit sa editing
  • HAKBANG SA PAGSULAT
    4. MULING PAGSULAT (Rewriting)
    • Pagkoppya o pagsulat nang maayos sa sulatin
    • Produksyon ng pinal na kopya
  • MGA KAILANGAN SA PAGBUO NG SULATIN:
    1. PAKSA – ang isang manunulat ay kailangan may mapagkukunan ng kanyang susulatin. Ito ay maaaringmanggaling sa sariling karanasan, mga nabasa, narinig,namasid o napanood.
  • MGA KAILANGAN SA PAGBUO NG SULATIN:
    2. LAYUNIN – dahilan ng pagsulat.
  • MGA KAILANGAN SA PAGBUO NG SULATIN:
    3. AWDYENS – alam dapat ng manunulat ang interes at pangangailangan ng mambabasa.
  • MGA KAILANGAN SA PAGBUO NG SULATIN:
    4. WIKA – iakma ang wika sa uri ng sulatin. may tiyak na wika na dapat gamitin.
  • MGA KAILANGAN SA PAGBUO NG SULATIN:
    5. KOMBENSYON – tamang format, gramatika at retorika.
  • MGA KAILANGAN SA PAGBUO NG SULATIN:
    6. MEKANIKS – kaalaman sa wastong pagbabaybay at pagbabantas.