PANANALIKSIK

Cards (44)

  • "Huwag kang magbasa gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay" (Gustave Flaubert, 1857).
  • Ayon kay Villafuerte (2011) ang pagbasa "Ang isa sa mga pangunahing kakayahan at disiplina na dapat na taglayin ng kabataan hindi lamang para sa pag-aaral kundi maging sa pagpapaunlad ng kanyang kakayahang pagsulat-akademik, pampamamahayag man o malikhain."
  • Ayon kina Villafuerte, et al. (2005), ang pagbasa ay "Gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan. Ito ay pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba't ibang larangan ng buhay.
  • Para naman kina Bernales, et al. (2001), ang pagbasa ay may "Mahalagang papel na ginagampanan sa paghahasa ng talino at kaisipan, kailangan nang masidhi at malawakang pagbasa na siyang magbubukas ng daan sa lahat ng karunungan at disiplina tulad ng agham panlipunan, siyensya, matematika, pilosopiya, sining at iba pa."
  • Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo. Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag (Austero,et al, 1999).
  • Teoryang Bottom-Up (Ibaba-Pataas) - Isa ito sa tradisyonal na pananaw mula sa teoryang behaviorism. Nagsisimula ang karunungan sa tekstong binabasa (bottom) patungo sa utak ng taong nagbabasa (up).Tinatawag din itong "DATA DRIVEN/OUTSIDE-IN"
  • Teoryang Top-Down (Itaas-Pababa) - Ito naman ay hango sa teoryang kognitibo. Ang pagbasa ay isang aktibong partisipante na dati nang may taglay na kaalaman na nasa isip na ng bumabasa. Tinatawag ding "Inside-Out" na nagmumula sa taglay nang karunungang nailalapat sa tekstong binasa.
  • Skimming O Madaliang Pagbasa - Isang paraan ng pagkuha ng nilalaman ng teksto o materyal sa mabilisang paraan. Ginagamit ito sa madaliang pagkalap ng pinakamahalagang impormasyon o ang pinakabuod o ideya ng binabasa.
  • Scanning O Mapagmasid Na Pagbasa - Isinasagawa ito upang matukoy agad ang partikular na impormasyon. Ginagamit sa paghahanap ng lisang ispesipikong impormasyon na kinakailangan. Tiyak na bahagi ng impormasyon ang tinututukan ng mata. Pagtutok sa mga salitang bahagi ng kabuuang impomasyon. Ito ay itinakda bago pa man bumasa ang mambabasa.
  • Intensibong Pagbasa (Masikhay/masinsin) - Ginagamit sa mga maiikling teksto upang makakuha ng mga tiyak na impormasyon. Kabilang dito ang pagkuha ng tiyak na detalye.
  • Ekstensibong Pagbasa (Masaklaw) - Ginagamit upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa isang paksa kabilang dito ang mahabang teksto para parehong maaliw at makakuha ng mga impormasyon. Mapaunlad nito ang pangkalahatang kaalaman sa iba't ibang paksa at iba't ibang disiplina.
  • Mortimer Adler & Charles Van Doren - Tinukoy nila na may apat na antas ng pagbasa sa kanilang aklat na "How To Read A Book." Ito ay ang primaryang antas, mapagsiyasat na antas, analitikal na antas at sintopikal na antas na bumubuo ng isang hakbang-hakbang na proseso.
  • Primarya (Elementarya) - Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa. Kinapapalooban ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon.
  • Inspeksyunal O Mapagsiyasat - Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol sa binabasang teksto. Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng mabilis ngunit makabuluhang pag-unawang rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maaari itong basahin nang mas malaliman. Ang mambabasa ay maaringgamitin ang skimming sa pagbabasa.
  • Mapanuri O Analytikal - Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-isip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. Bahagi ng anats na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan at kung katotohanan o opinion ang nilalaman ng teksto. Ang antas na ito ay naghahawi tungo sa analitikal na pagbasa. Malalim at mapanuri na ang antas na ito.
  • Sintopikal - Ito ay nagmula sa salitang SYNTOPICON na ginamit sa aklat ni Mortimer Adler "A SYNTOPICON: AN INDEX TO THE GREAT IDEAS (1952), na nangangahulugang koleksyon ng mga paksa. Pinakamataas ang antas na ito ng pagbasa. Pag-unawang integratibo ang kailangan sa antas na ito. Komplikado at sistematikong pagbasa ito. Humahamon sa kakayahan ng bumabasa. Komparatibo rin ito. Ibig sabihin, dapat marami nang nabasang libro ang bumabasa para makapaghambing, makapagsuri,makapamuna at makapagpahalaga, kaya naman kahit matrabaho ang pagbasa rito, marami namang nakukuhang benepisyo ang mambabasa.
  • Isang Komplikadong Proseso (complex process) ang pagbasa/pagbabasa. Tunay na ang abilidad at kahusayan ng isang Indibidwal sa pagbasa ay apektado ng mga bagay na may kaugnay sa kabuuan ng kanyang sarili kaya di kataka-takang may ibang mahina at di kalugod-lugod ang pagbasa.
  • May Dalawang Proseso (two way process) ang pagbasa. Ito ay ang komunikasyon ng mambabasa at ng may akda. Ito rin ang saligan ng tinatawag na reader-response theory sa pagbasa.
  • Napapaloob Sa Malawak Na Paglalarawan (visual process) ang pagbabasa Nangangahulugang ang malinaw na paningin ay malinaw na pagbabasa.
  • Isang Masiglang Proseso (active process) ang pagbabasa. Ito ay isang prosesong pangkaisipang kumikilos ayon sa siglang ibinibigay ng katawan, emosyon at kakayahan na kailangan sa masiglang pagbabasa.
  • Gumagamit Ang Pababasa Ng Sistemang Panglingguwistiko (linguistic system) na nakatutulong upang maging magaan at mabisa sa paggamit ng nakalimbag na kaisipan ng may akda
  • Nakasalalay and mabisang pagbasa sa mga nakaraang kaalman (prior knowledge). Gayundin, nakasandig din ang kakayahan, kahusayan, at kasanayan, sa epekto ng sumunod na mga salik: pampisikal, pangkaisipan, pangkapaligiran, panlipunan, at kaalamang pangwika.
  • Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify ang pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito.
  • Ang opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento. Sa madaling salita, ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan ng mga ebidensya samantalang ang opinyon ay mga pahayag nabatay sa sariling paniniwala lamang.
  • Layunin - May iba't ibang layunin ang mga nanunulat ng isang teksto maari itong nangangatuwiran o kaya manghikayat ang mambabasa na pumanig sa isang opinyon o paninindigan niya. Tinutukoy rin ang suliranin pangunahing tanong ng akda nais solusyonan ng may akda.
  • Pananaw - Pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto. Ibig sabihin, natutukoy rito kung ano ang ditansya niya sa tiyak na paksang tinatalakay. Nasa unang panauhan ba ito na maaring magpakita ng personal ang pespektiba niya sa paglalahad, o kaya naman ay nasa ikatlong panauhan na nagbibigay ng obhektibong pananaw at paglalahad sa paksa.
  • Damdamin - Naman ay ang ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaaring nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo o kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan tungkol sa isang pangyayari o paksa.
  • Paraphase - Ito ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa. Mahalaga ito sa pananaliksik upang tukuyin ang pinagmulan ng isang ideya o kaisipan, at ipahayag ito sa pamamaraan na makatutulong sa pananaliksik.
  • Abstrak - Ito ang buod ng pananaliksik, thesis o kaya ay tala ng isang komperensiya o anomang pagaaral sa isang tiyak na disiplina o larangan. Ang abstrak ay nakatutulong upang mabilis na Makita ng isang mambabasa ang kabuuang latag ng pananaliksik kabilang ang mga layunin at kinalabasan nito. Tinatawag rin itong precis o synopsis.
  • Rebyu - Isang uri ng pampanitikan kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo at anyo ng pagkakasulat nito. Naglalaman din ang rebuy ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa personal na pananaw ng mambabasa nanagbibigay ng rebyu.
  • Pagtiyantiya Sa Bilis Ng Pagbabasa - Binabago-bago ng manbabasa ang bilis o bagal ng pagbasa batay ng teksto at personal na kakayahan sa pagbasa.
  • Bliswalisasyon Ng Binabasa - Nagkakaroon ang mambasa ng mga imahinasyon sa kanyang isip habang binabasa ang impormasyon sa teksto.
  • Pagbuo Ng Koneksyon - Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na kaalaman upang matiyak ang komprehensiya.
  • Paghihinuha - Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman upang bumuo ng mga pahiwatig at kongklusyon sa kalalabasan ng teksto.
  • Pagsubaybay Sa Komprehensiyon - Ito yung mga hirap sa pagbasa o nahihirapan unawain ang binabasa na tumutukoy sa mga nagiging hadlang sa pag-unawa ng mambabasa sa kanyang binabasa at pagbuo ng estratehiya upang mapadali ang pagbabasa.
  • Muling Pagbasa - Ito ay ang pag-uulit ng pagbasa upang higit na maunawaan ang akdang binabasa.
  • Pagkuha Ng Kahulugan Mula Sa Konteksto - Pagsasaliksik ng kahulugan ng mga salitang di pamilyar upang mapadali ang pag unawa sa binabasa.
  • Ang ELABORASYON ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong mga ideya sa impormasyong natutuhan mula sa teksto.
  • Ang ORGANISASYON ay pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba't ibang bahagi ng impormasyon sa teksto.
  • Ang PAGBUO NG BISWAL NA IMAHEN ay paglikha ng mga imahe at larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa.