Module 2 - Pagbasa (Metakognisyon,Kasanayan,)

Cards (14)

  • Ayon kay Flavel (1976), ang metakognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-unawa.
  • Sa pamamagitan ng metakognisyon, nalalampasan ang kognisyon dahil nagagawa nitong malinang sa mambabasa ang may kamalayang paggamit ng mga estratehiyang kognitibo at pahalagahan sa halip na simpleng gamitin lamang ang mga ito.
  • Prosesong Metakognisyon:
    Kaalaman ng mambabasa kung aling estratehiya ang angkop na gamitin ayon sa sitwasyon
  • Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang malawak na pangkat o uri: (A) Kasanayan sa Bilis at (B) Kasanayan sa Pang-unawa.
  • Kasanayan sa Bilis - Pagpansin o pagtingin nang higit na malawak ang agwat - Pagtingin sa higit na maraming salita - Pagbasa nang higit na mabilis - Pagkakaroon ng mas kakaunting pagbabalik mata
  • Kasanayan sa Pang-unawa - Paglilinang ng talasalitaan - Pag-unawa ng talata - Pagsunod sa hudyat o pahiwatig na palimbag - Pagbasa namg pahapyaw at pasuri - Pagbasa at pag-unawa sa mahihirap na babasahin
  • Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng mambabasa sa pagbabasa ng teksto. Ito ay ang bilang ng salitang nabasa sa loob ng isang minuto
  • ISKANING: Uri ng pagbasa na kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles. palaktaw-laktaw na pagbuklat,partikual na impormasyon
  • ISKIMING: Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin, Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa
  • PREVIEWING: Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat.
  • KASWAL: Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may inaantay o pampalipas ng oras.
  • PAGBASANG PANG-IMPORMASYON: Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala.
  • MATIIM NA PAGBASA: Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.
  • RE-READING O MULING PAGBASA: Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag.