Cards (33)

  • Ang pagsasaling pampanitikan ay isang uri ng pagsasaling naiiba sa pangkaraniwan at pangkalahatang konsepto ng pagsasalin.
  • Kasama na sa anyo ng pandiwa ang panauhan at bilang kaya hindi na kailangan ang panghalip.
  • 2 Paraan ng Pagharap sa Ambiguity
    1. Accept ambiguity
    2. Disambiguate
  • Ambiguity o Higit sa Isang Kahulugan (Puwede ring Malabong Kahulugan) - Ito ay tumutukoy sa mga salita, parirala, o pangungusap na may dalawa o higit pang posibleng kahulugan, kaya nagiging malabo o hindi tiyak ang nais iparating.
  • Idyoma o Matalinghagang Pananalita - Ito ay mga di-tiyakang pahayag na hindi maaaring isalin nang literal dahil nagtataglay ito ng kahulugang iba sa tunay na anyo ng mga salita.
  • Idyoma o Matalinghagang Pananalita - Patibong ito sa pagsasalin dahil kung literal na isinalin, mawawala ang diwang pampanitikan o magiging katawa-tawa ang resulta.
  • Ambiguity o Higit sa Isang Kahulugan (Puwede ring Malabong Kahulugan) - Sa pagsasalin, ito ay patibong dahil maaaring mamisinterpret ng tagasalin ang orihinal na intensyon ng may-akda at maghatid ng maling kahulugan sa mambabasa.
  • Accept Ambiguity – kapag ang kalabuan ay bahagi ng sining o estilo ng akda.
  • Disambiguate – kapag kailangang linawin para sa wastong pag-unawa.
  • Talinghaga - Masining na paraan ng pagpapahayag gamit ang mga simbolikong salita o imahe upang hindi tahasang saktan ang pinatutungkulan.
  • Kawikaan - Mga salitang may aral o karunungan na ginagamit sa pagbibigay ng payo, babala, o paalala sa masining na paraan.
  • Tayutay - Mga salitang nagpapahayag ng paghahambing, pagtutulad, o pagbibigay-kahulugan sa masining at di-literal na paraan.
  • Mga Konsepto sa Kapuwa-sa-Kapuwang Komunikasyon ng mga Filipino
    • Talinghaga
    • Kawikaan
    • Tayutay
  • Taguring Ambil - Isang salita, parirala, o pahayag na hindi tuwirang tumutukoy sa isang ugali, asal, o katangian ng tao, kundi gumagamit ng ibang bagay o hayop bilang simbolikong kahalili.
  • Taguring Ambil - Tinatawag itong personipikasyon sa Ingles at kadalasang ginagamit sa tula at matalinghagang pananalita.
  • Layunin ng Taguring Ambil:
    • Magpahiwatig ng ugali ng tao gamit ang imahe ng hayop, halaman, o bagay.
    • Iwasan ang direktang pagpuna o pananakit ng damdamin.
    • Palalimin ang kahulugan ng pahayag sa masining na paraan.
  • Ganid (Literal na Kahulugan) - Malaking asong ginagamit sa pangangaso
  • Ampalaya (Literal na Kahulugan) - Isang mapait na gulay
  • Ganid (Matalinghagang Kahulugan) - Taong sakim o gahaman sa yaman
  • Ampalaya (Matalinghagang Kahulugan) - Taong madamot, ayaw humingi ng tulong
  • Masasabing mahiligin ang mga sinaunang Filipino sa paggamit ng mga taguring ambil upang ipahayag ang damdamin o puna sa masining na paraan.
  • Limatik (Literal na Kahulugan) - Uri ng maliit na lintang sumisipsip ng dugo
  • Hunyango (Literal na Kahulugan) - Kuliglig na hayop na nakikibagay ng kulay sa paligid
  • Balimbing (Literal na Kahulugan) - Prutas na may limang panig o mukha
  • Limatik (Matalinghagang Kahulugan) - Taong mapagsamantala, mahilig manghuthot ng pera.
  • Hunyango (Matalinghagang Kahulugan) - Taong mapagbalatkayo o taksil
  • Balimbing (Matalinghagang Kahulugan) - Taong doble-kara o palipat-lipat ng panig/opinyon
  • Maraming ambíl ang muling nabubuhay sa kasalukuyang panahon dahil akma pa rin ang mga kahulugan nito sa ugali ng tao.
  • Kailangan ng bagong henerasyon na mas kilalanin ang mga sinaunang paraan ng komunikasyon, lalo na ang mga idyoma, talinghaga, at tayutay.
  • Sa pamamagitan ng mga taguring ambil, naipapahayag ng mga Filipino ang kritika, papuri, at pagmamasid sa kapuwa sa masining at di-tahasang paraan.
  • Sinasalamin ng pagsasaling pampanitikan ang imahinasyon, matayog na kaisipan, at ang intuitibong panulat ng isang may-akda.
  • 2 Patibong sa Pampanitikang Salin
    1. Ambiguity o higit sa isang kahulugan (puwede ring malabong kahulugan)
    2. Idyoma/matalinghagang pananalita
  • 2 Paraan ng Pagtutumbas sa Pagsasalin ng Idyoma
    • Ipaghanap ng katapat na idyoma sa wikang Filipino
    • Ibigay ang kahulugan