Talinghaga sa katangian hayop, ibon, isda, kulisap, halaman

Cards (15)

  • Buhay-alamang — laging nasusuong sa panganib; hikahos
  • Buhay-pusa — mahaba ang buhay; laging nakaliligtas sa panganib
  • Bulang-gugo — bukás ang palad sa paggasta
  • Buwayang-lubog — taksil sa kapuwa; hindi mabuti ang gawa
  • Kakaning-itik —api-apihan
  • Kutong-lupa — bulakbol; walang hanapbuhay
  • Ligong-uwak — hindi naghihilod o gumagamit ng bimpo kapag naliligo; ulo lamang ang binabasa.
  • Matang-manok — Malabo ang paningin kung gabi; Di-makakita kung gabi
  • May sa-palos — Hindi mahuli. Mahirap salakabin. Madulas sa lahat ng bagay.
  • Pagpaging alimasag — walang laman
  • Puting-tainga — maramot
  • Putok sa buho — Walang tiyak na ama nang isilang
  • Sangkahig, sangtuka — Ginagasta ang siyang kinikita.
  • Tawang-aso — tawang nakatutuya
  • Tagong-bayawak — madaling makita sa pangungubli