Talinghaga ng mga bahagi ng katawan o kaya’y kilos ng tao

Cards (25)

  • Bukas ang palad — magaang magbitiw ng salapi; galante; hindi maramot
  • Kadaupang-palad — kaibigang matalik
  • Kumindat sa dilim — nabigo; nilubugan ng pag-asa
  • Lawit ang pusod — balasubas
  • Ligaw-tingin — torpe; hindi makapagsalita sa nais ligawan
  • Mababang-luha — iyakin; bawat kalungkutan ay iniiyak
  • Mabigat ang dugo — kinaiinisan
  • Magaan ang bibig – palabati; magiliw makipagkapuwa
  • Magaan ang kamay — magandang magbuwana mano, kung sa negosyo o sugal;
  • Mapagbuhat ng kamay, o madaling manampal o manakit
  • Mahigan ang kaluluwa — matinding galit
  • Mainit ang mata — malas sa panonood; nagdadala ng kamalasan kapag nagmiron sa sugalan
  • Manipis ang balat — mapaghinanakit; madaling masaktan kapag sinabihan
  • Marumi ang noo — taong may kapintasan
  • May balahibo ang dila — sinungaling
  • May balat sa batok — malas
  • May kurus ang dila — nagkakatotoo ang bawat sabihin
  • May nunal sa paa — Layas; mahilig maglagalag
  • May tala sa noo — babaeng ligawin o malimit suyuin ng mga lalaki
  • May-sungay — lalaking di-pinagtatapatan ng asawa; lalaking kinakaliwa o pinagtataksilan ng asawa
  • Namuti ang talampakan — kumarimot dahil naduwag; tumakbo palayo dahil sa natakot o naduwag.
  • Nasa dulo ng dila — hindi masabi-sabi; hindi matandaan, bagama’t alam na alam
  • Naulingan ang kamay — nagnakaw; kumupit ng salapi
  • Tabla ang mukha — walang kahihiyan
  • Taingang-kawali — nagbibingi-bingihan; kunwari’y hindi nakarinig.