Mga Idyomang isinalin sa Filipino mula sa Ingles

Cards (25)

  • A Bird In The Hand Is Worth Two In The Bush: Ang pagkakaroon ng kahit isang bagay na may kasiguruhan ay mas mainam pa sa paghahangad ng iba pa, sapagkat maaaring pareho mo pa itong ‘di makamtan.
  • A Blessing In Disguise: Isang magandang pangyayari na hindi mo napuna noong umpisa.
  • A Chip On Your Shoulder: Pagiging masama ang loob sa isang nakalipas na pangyayari.
  • A Dime A Dozen: Alinmang bagay na karaniwan at madaling abutin.
  • A Doubting Thomas: Isang taong nangangailangan pa ng pisikal o personal na ebidensya bago paniwalaan ang isang bagay.
  • A Drop in the Bucket: Isang napakaliit na parte ng kabuuan.
  • A Fool And His Money Are Easily Parted: Madali lamang sa isang taong manloloko ang mawalan ng pera.
  • A House Divided Against Itself Cannot Stand: Lahat ng kabilang ay nararapat lamang na magkaisa at magtrabaho bilang isa upang magtagumpay.
  • A Picture Paints a Thousand Words: Ang isang biswal na presentasyon ay malayong mas mainam kaysa mabubulaklak na pananalita.
  • A Slap on the Wrist: Isang napakagaang parusa.
  • A Taste Of Your Own Medicine: ‘Pag ikaw ay ginawan ng kasamaan katulad ng ginawa mo sa iba.
  • Actions Speak Louder Than Words: Higit na mas mainam na gawin ang isang bagay kaysa patuloy na magsalita patungkol dito.
  • Add Fuel To The Fire: Kapag may isang bagay na ginagawa upang palalain pa ang isang ‘di-magandang sitwasyon.
  • All Bark And No Bite: Kapag ang isang tao ay patuloy lamang sa paninindak ngunit hindi kayang makipag-away nang tuluyan.
  • All In The Same Boat: Kapag ang lahat ay dumaranas ng pare-parehong suliranin.
  • An Arm And A Leg: Napakamahal; isang napakalaking halaga ng pera.
  • An Axe To Grind: Pagkakaroon ng sigalot sa isang tao.
  • As High As A Kite: Anumang bagay na napakataas.
  • At The Drop Of A Hat: Kagustuhang gawin ang isang bagay nang agaran.
  • Back To Square One: Pagsisimula ng gawain mula sa umpisa.
  • Barking Up The Wrong Tree: Isang kamaliang nagawa sa isang bagay na sinusubukan mong maabot.
  • Beat A Dead Horse: Patuloy pang susugan ang isyu bagaman ito ay matagal ng natapos.
  • A Piece of Cake: Isang gawain na kayang-kayang tapusin nang madalian.
  • A Leopard Can’t Change His Spots: Hindi mo kayang baguhin kung ano ka.
  • A Penny Saved Is A Penny Earned: Sa hindi paggasta ng pera, nakakapag-ipon ka maski unti-unti.