Nagpapahayag ng kultura at pananaw sa daigdig ng gumagamit nito - Ipinapakita ng idyoma ang paniniwala, pagtingin, at pamumuhay ng mga taong gumagamit nito.
Halimbawa:
Ear of corn → hindi literal na tainga kundi bungkos ng mais
Eye of the needle → maliit na butas sa dulo ng karayom
Pisngi ng langit → malapit sa ulap o kalangitan
Pusod ng karagatan → pinakagitna o pinakaloob ng dagat
Maikli, matipid, at naglalarawan at naghahatid ng higit na sigla at buhay sa talastasan - Hindi kailangan ng mahahabang paliwanag. Diretsong nagpapahayag na may kulay, damdamin, at imahen.
Halimbawa:
“Itaga mo sa bato” → siguradong-sigurado
“Tubig na alon” → pabagu-bago ng isip
Hindi puwedeng palitan ang alinmang bahagi nito at mahirap ipaliwanag - Ang idyoma ay hindi literal at hindi basta pinapalitan, dahil mawawala ang kahulugan nito.
Halimbawa:
May small hours, pero walang big hours
May naked eye, naked power, pero walang naked nose
May bitter cold, pero walang sweet cold
Sa Filipino:
Walang masamang tinapay → kilalang idyoma
Pero wala tayong: "walang masamang kanin" o "ulam" (hindi ito gumagana bilang idyoma)