M3: Teksto, Tekstong Deskriptibo, at Naratibo

Cards (15)

  • Ang teksto ang pangunahing instrumentong ginagamit sa proseso ng pagbasa dahil kung walang teksto, paano makagagawa ng pagbasa?
  • Ang teksto ay kahit anong uri ng nakasulat na kaisipan, mensahe o ibig sabihin ng sumulat. Maaari itong liham, isang email, tala, kuwento, nobela, tula, resipe, instruksyon, artikulo sa pahayagan o magasin, postcard, paalala, sinulat sa webpage, paksa sa diskors o kahit ang adbertisment sa pahayagan, magasin o telebisyon
  • Ang teksto ay isinulat dahil may layunin ang sumulat. Sa pagbabasa, makatutulong kung alam ang uri ng tekstong binabasa. Dahil may iba’t ibang layunin sa pagsulat ng teksto ay nagkakaroon din ng iba’t ibang uri ng teksto.
  • 6 na Pangunahing Uri ng Teksto
    1. Impormatibo
    2. Deskriptibo
    3. Persweysib
    4. Naratibo
    5. Argumentatibo
    6. Prosidyural
  • Ang Tekstong Deskriptibo: Nagbibigay-larawan sa isip at damdamin ng mambabasa ng kalagayan ng tao, bagay o lugar na ipinaliliwanag sa mga salitang karaniwan ay masining at maharaya.
  • Ang Tekstong Deskriptibo: Ito ang uri ng tekstong nagpapakita ngmga ideya, damdamin, at mga larawang pangkaisipan o mental sa pamamagitan ng mga salita na may hatid na mga imaheng biswal.
  • Tekstong Deskriptibo:
    • Gumagamit ito ng matayutay na mga salitang naghahatid ng mga ideya at damdamin sa anyong makakikintal ng larawan sa isip at makapagbibigay ng malinaw na larawan sa imahinasyon at emosyon.
    • May malinaw na impresyon ng tao, bagay at maging ng pangyayari.
    • May larawang nais ikintal at “makita” sa isip ang malinaw na hitsura ng inilalarawan.
    • Gumagamit ng mga salitang naglalarawan at nagbibigay ng deskripsyon sa limang pandama.
  • Ang mga tekstong karaniwang kabilang sa uring deskriptibo ay sumasakop sa mga nobela, katutubong salaysayin, tula, kwento, dula, piksyon para sa kabataan at mga bata katulad ng mga isinalarawang kwento at mga tekstong multimodal katulad ng pelikula at sine.
  • Ang Tekstong Naratibo
    • maaaring totoong nangyari o kathang-isip lamang na tinatawagbilang piksyon
    • nagsasalaysay o nagkukuwento
    • may sunod-sunod na mga pangyayari
    • may simula, gitna, o wakas
  • Ang Tekstong Naratibo
    • pangunahing layunin ang mag-aliw o maglibang sa bumabasa at makuha ang interes nito sa binabasa
    • Maaari ding maging layunin nito ay magturo o magbigay ng impormasyon o baguhin ang saloobin o opinyong panlipunan katulad ng mga nangyayari sa mga soap opera o teleserye.
  • Ang Tekstong Naratibo
    • may elemento ng maikling kwento
    • Kapag pinagsunod-sunod ang mga elementong kasangkot sa naratibo ay tinatawag itong story map
  • Sakop ng tekstong naratibo ang mga nobela, maikling kuwento, fairy tales, kuwentong mga misteryo at suspens, talaarawan o diary, pabula, salaysayin, mito, alamat, epiko, kuwentong bayan, piksyon at di-piksyong historikal, dula, tula, balad o awit na nagsasalaysay, piksyong pang-agham (science fiction), at kahit balita o report sa pahayagan.
  • MGA ELEMENTONG KARANIWANG NASATEKSTONG NARATIBO
    1. Tagpuan– kailan at saan nangyari ang naratibo
    2. Tauhan/MgaTauhan – mahahalagang tao o karakter sa kuwento
    3. PanimulangPangyayari– isang aksyon o pangyayari na nagpasimula sa isang suliranin
  • MGA ELEMENTONG KARANIWANG NASA TEKSTONG NARATIBO
    4. Gusot o Tunguhin – puntong iniikutan ng kuwento na karaniwan aynagtatampok sa suliraning umiiral sa teksto
    5. Mga Pangyayari – isa o higit sa isang mga pagsisikap ngpangunahin o mga pangunahing karakter upang matamo angresolusyon ng gusot at maabot ang tunguhin ng kwento
    6. Resolusyon – kinahinatnan ng mga pagsisikap na matamo angtunguhin o malutas ang gusot na iniikutan ng kwento
  • TAGLAY NG TEKSTONG NARATIBO ANG SUMUSUNOD NA MGA KATANGIAN:
    1. Mga karakter o tauhang may mga tiyak na personalidad at katangian.
    2. Kadalasang may diyalogong kasama sa kuwento na angaspekto ng pandiwa ay nagbabago na maaaring pangkasalukuyan o panghinaharap.
    3. Gumagamit ng wikang deskriptibo upang makabuo ngmga imaheng magpapaigting ng kuwento sa isipan ngmambabasa.