AP Q3 L2

Cards (8)

  • “Invisible Minority” – tawag ni Hillary Clinton (2011) ang mga LGBT. Ang kanilang mga kwento ay itinago, inilihim, at marami sa kanila ang nananahimik sa takot.
    Anti-HOMOSEXUALITY ACT OF 2014: batas na ipinasa sa Uganda na nagsasaad na ang same sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkakabilanggo
  • SI MALALA YOUSAFZAI at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa Pakistan
    Malala Yousafzai: ipinanganak noong ika 12 ng Hulyo 1997 sa Mingora, Swat Valley. Ipinaglaban niya ang edukasyon ng mga kababaihan sa Pakistan ng masakop ito ng mga Taliban (kilusang political na nagmula sa Afghanistan at itinuturing na terorista ng Estados Unidos)
  • Ang pagbaril kay Malala ang nagpakita sa mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan. Matapos siyang maoperahan, iba’t ibang pagkilala ang kanyang natanggap.
  • FOOT BINDING (CHINA)
    -isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ay pinapaliit hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng mga paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinabalot sa paa
    -tinatawag ang ganitong uri ng paa na lotus feet o lily feet. Ang pagkakaroon ng ganitong klaseng paa ay simbolo ng yaman, ganda, at karapat dapat sa pagpapakasal
  • BREAST IRONING/BREAST FLATTENING: isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ay pagbabayo o pagmamasahe ng isang batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo, o spatula na pinainit sa apoy. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsasagawa nito ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay:
    (1)maiwasan ang maagang pagbubuntis (2)maiwasan ang paghinto sa pag-aaral (3) maiwasan ang pagkagahasa.
     
  • General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action (GABRIELA)
    -isang samahan sa Pilipinas upang labanan ang ibat ibang porma ng karahasang nararanasa ng kababaihan na tinaguriang 7 Deadly Sins Against Women. Ito ay ang mga: (1)pambubugbog/ pananakit (2)panggagahasa (3) incest at iba pang sekswal na pang-aabuso (4) sexual harassment (5) sexual discrimination at exploitation (6) limitadong access sa reproductive health (7) sex trafficking at prostitusyon
  • DOMESTIC VIOLENCE: karahasan na nagaganap sa isang relasyon.
    Ikaw ay nakakaranas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:
    (a)tinatawag ka sa pangalang di maganda para sa iyo at sa ibang tao, iniinsulto ka. (b)pinipigilan kang pumasok sa trabaho o paaralan (c)pinipigilan kang makipagkita sa iyong kapamilya o kaibigan (d)nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko (e)pinagbabantaan ka na sasaktan (f)sinisipa, sinasampal, sinasakal, o sinasaktang ang iyong mga anak o alagang hayop etc.
  • VIOLENCE AGAINST WOMEN: anumang karahasang nauugat sa kasarianna humahantong sa pisikal, seksuwal, o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan