Ayon kay PopeJohn Paul II sa kanyang isinulat na "Laborem Exercens" noong taong 1981, ang paggawa ay mabuti sa tao, dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan nito ang kanyang responsibilidad sa sarill, kapwa at sa Diyos.
Ang kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kanya upang magkaroon nang "Kagalingansa
Paggawa".
1.) NagsasabuhayngmgaPagpapahalaga. Ang isang matagumpay na tao ay may tiyak na pagpapahalagang humuhubog sa kaniya upang harapin ang anomang pagsubok na pagdaraanan sa pagkamit ng mithiin.
2.) NagtataglayngKakailanganingKakayahan. Upang maisakatuparan ang mga mithiin sa buhay at magtagumpay sa anomang larangan, kailangang pag-aralan at linangin ang mga kakailanganing kakayahan at katangian.
1 - Mausisa (Curiosita), Ang taong mausisa ay maraming tanong na hinahanapan niya ng kasagutan.
2 - Demonstrasyon (Dimostrazione). Ito ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga di malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay at maiwasang maulit ang anomang pagkakamali.
3 - Pandama (Sansazione), Ito ang tamang paggamit ng mga pandama, sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao.
4 - Misteryo (Sfumato). Ito ang kakayahang yakapin ang kawalang katiyakan ng isang bagay, kabaligtaran ng inaasahang pangyayari.
5 - Sining at Agham (Arte/Scienza). Ito ang pantay na pananaw sa pagitan ng agham, sining katuwiran, at Imahinasyon.
6 - Ang kalusugan ng pisikal na pangangatwan (Corporalita). Ito ang tamang pangangalaga ng pisikal na pangangatawan ng tao upang maging malusog upang malwasan ang pagkakaroon ng karamdaman.
7 - Angpagkakaugnay-ugnaynglahatngbagay (Connessione). Ito ang pagkilala at pagbibigay pagpapahalaga na ang lahat ng bagay at mga pangyayari ay may kaugnayan sa isa't-isa.
3.) NagpupuriatNagpapasalamatsaDiyos. Ang pinakamahalaga sa lahat upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at kagalingan kung ito ay ayon sa kalooban ng Diyos.