FILDIS 1115 (1st term)

Subdecks (1)

Cards (83)

  • Research:
    “Investigation into and study of materials and sources in order to establish facts and reach new conclusions.” Oxford Concise Dictionary (2006)
  • Ayon kina Nuncio et. al. (2015), ang pananaliksik ay:
    isang lohikal na proseso ng paghahanap ng sagot sa mga tanong ng mananaliksik na nakabatay sa problema at metodo ng pag- aaral tungo sa produksyon ng maraming kaalaman at kasanayan upang makatugon sa pangangailangan ng tao at lipunan.
  • Ayon kay G. Webster, ang pananaliksik ay isang sistematikong imbestigasyon sa larangan ng kaalaman, isang pagsisiyasat o pagpapatunay sa katotohanan o prinsipyo.
  • Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impormasyon o datos sa tiyak na paksang pag-aaralan. Binanggit naman nina Sevilla, et.al, (1998) na ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya, o paglutas ng suliranin.
  • Ang pananaliksik ay:
    1. Paghahanap ng Sagot
    2. Paglalatag ng Problema
    3. Ginagabayan ng Pamamaraan
    4. May Layunin at Gamit
  • Ang pananaliksik ay:
    1. Paghahanap ng Sagot…
    sa ating mga tanong tungkol sa mundong ito, sa ating lipunan, kapaligiran, sarili at kapwa, at maging sa mga bagay-bagay na hindi pa natin nauunawaan.
  • Ang pananaliksik ay:
    3. Ginagabayan ng Pamamaraan
    Ang lohikal at sistematikong pagtuklas ng kaalaman ay isang pamamaraan. Nakabatay ang angkop na metodo sa tanong o problemang ilalatag ng mananaliksik.
  • Ang pananaliksik ay:
    4. May Layunin at Gamit
    Kailangang isipin na ang lahat ng pagsisikap ng isang mananaliksik—estudyante, guro, iskolar, siyentista—ay dapat nakalaan para sa kapakanan ng bayan at ng kaniyang kapwa. Walang pananaliksik na para sa sarili lamang. Isang bisa ng pananaliksik na gagawin ay maisulat ito sa Filipino dahil higit na nakararaming tao ang makauunawa at makikilahok para sa paglago ng ating intelektwal na tradisyon—ang talastasan ng mamamayan bunga ng pag-aaral mula sa akademya.
  • Katangian ng Pananaliksik:
    1. Sistematiko
    2. Kontrolado
    3. Empirikal
    4. Pagsusuri
    5. Lohikal, Obhetibo, at Walang Pinapanigan
    6. Ginagamitan ng Haypotesis
  • Sistematiko
    Sumusunod sa mga tuntunin sa simula pa lamang ng pananaliksik ng pang-alam o pagtukoy sa problema o may wastong pagkakasunod-sunod.
  • Kontrolado
    Bawat hakbang sa pananaliksik ay pinaplano at maiging pinag-iisipan na nagdaraan sa maka agham na proseso.
  • Empirikal
    Nakahanda ang lahat ng mga datos pati ang mga ebidensiya para patunayan o mapasinungalingan ang nabuong haypotesis.
  • Pagsusuri
    Ito ay mabusising pag-aaral ng mga datos na kwalitatibo at kwantitatibo. Dito nagkakaroon ng kritikal na proseso sa mga dokumentong nakalap na maging batayan sa kongklusyon.
  • Kwalitatibo ang datos kapag ang pagsusuri ay tumatalakay sa malinaw at tiyakang pagbibigay ng mga kuro-kuro o interpretasyon.
  • Kwantitatibo ang datos kapag ang binibigyang pansin ay ang pagkalkula ng mga bilang na ginagamit.
  • Lohikal, Obhetibo, at Walang Pinapanigan
    Anumang resulta ng isinasagawang pag-aaral ay di gawa- gawa lamang ng mananaliksik bagkus pinatutunayan ito sa pamamagitan ng mga sapat na batayang kinalap sa mga datos. Ito ay hindi galing sa sariling opinion ng mga mananaliksik.
  • Ginagamitan ng Haypotesis
    Tumutukoy sa tiyak na paglalahad ng suliranin o problema sa isinasagawang pananaliksik o pag-aaral at may mga pananaliksik na hindi kinakailangang gamitan ng haypotesis o paunang palagay.
  • Uri ng Pananaliksik Batay sa Pakay: Pag-usisa vs. Pakinabang
    1. Pangunahing Pananaliksik (Basic Research)
    2. Praktikal na Pananaliksik (Applied Research)
  • Pangunahing Pananaliksik (Basic Research)

    Umiikot ito sa mausisang pagtatanong ng mga mananaliksik tungkol sa isang posibleng ideya; penomenon na mahirap ipaliwanag; suliraning nararanasan sa lipunan, pagkatao at kalikasan; at iba pang maaaring masagot o di kaya’y mauunawaan lamang kapag natapos na ang pananaliksik. May mga ilang tanong na wala talagang tiyak na kasagutan sa kasalukuyan.
  • Praktikal na Pananaliksik (Applied Research)

    Umiikot ito sa hangaring matugunan at masolusyunan ang isang
    pratikal na suliranin sa lipunan. Isinasagawa ito dahil sa direkta
    nitong kapakinabangan. Halimbawa:
    • Paano mas matututo ang mga kabataan sa loob ng bahay
    • Ano ang paraan ng pagpapataas ng presyo ng palay?
    • Ano-ano ang mga hakbang upang higit na matugunan ang pandemya?
  • Uri ng Pananaliksik Batay sa Proseso:
    1. Paglalarawan (Descriptive)
    2. Eksperimental (Experimental)
    3. Historikal (Historical)
    4. Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study)
    5. Exploratory
    6. Explanatory
    7. Evaluative
    8. Action Research
    9. Correlational Research
    10. Quasi-experimental
    11. Pananaliksik at Pag-unlad (Research & Development)
  • Paglalarawan (Descriptive)

    Isan pananaliksik na nakatutok sa pagpapakilala ng pangyayari o nangyari: kung paano, kailan at bakit nagsimula. Inuusisa nito ang pinagmulan o kasaysayan ng isang bagay o penomenon sa pamamagitan ng masusi at mabusising pangangalap ng datos o impormasyon. Inilalarawan nito nang buo ang kwento, diskurso at penomenon ayon sa pananaw at karanasan ng impormasyon o kalahok sa pananaliksik.
  • Eksperimental (Experimental)

    Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng mga siyentista upang kontrolin o manipulahin ang isa o maraming varyabol at maipaliwanag ang kahihinatnan, sanhi-bunga, o penomenon batay sa mga salik o varyabol na nakalatag sa disenyo ng pananaliksik. Maaari rin itong gamitin sa larangan ng edukasyon sa pamamagitan ng kontrolado at eksperimental na grupo.
  • Historikal (Historical)

    Ang pananaliksik na ito ay nakabatay sa mga isyu o mga pangyayari tungkol sa nakaraan. May kahirapang gawin ang ganitong uri ng pananaliksik. Nangangailangan ito ng masusing paghahanap at pagbabasa.
  • Pag-aaral ng isang Kaso (Case Study)

    Ginagamit ang ganitong uri ng pananaliksik sa pag- alam sa mga kaso gaya ng mga pangyayari sa usaping panghukuman, pag-alam sa kaso ng isang pasyente na nagkakaroon ng problema, sa mga dahilan kung bakit nawala sa sariling pag- iisip ang isang tao.
  • Exploratory
    Pananaliksik na nagtatagkang usisain ang nagyayaring penomenon. Kasalukuyan ang lunan at panahon ng mananaliksik na ito. Nakikilahok ang mananaliksik upang sa kaniyang direktang karanasan at pag-aaral, maunawaan niya ang paksa ng kaniyang pananaliksik. Ang descriptive ay maaaring magbigay-daan sa isang pananaliksik sa exploratory at vice versa.
  • Explanatory
    Layunin ng pananaliksik na ito na ipaliwanag ang sanhi at bunga o mga varyavol na sangkot sa pagsusuri ng penomenon. Hindi lamang ito simpleng paglalahad ng datos kundi pagpapaliwanag o pagsusuri sa penomenong pinag- aaralan.
  • Evaluative
    Pananaliksik ito na ginagawa upang matukoy kung ang isang pananaliksik, proyekto, programa, o polisiya ay naging epektibo o matagumpayan sa pagsasakatuparan nito.
  • Evaluative
    Tinatawag din itong impact study.
  • Action Research
    Ang pananaliksik na ito ay kadalasang ginagawa ng mga guro. Layunin ng pananaliksik na ito na masolusyunan ang problemang kinahaharap sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.
  • Correlational Research
    Isang pananaliksik na malalim ang iba’t ibang
    varyavol na magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa target na populasyon.
  • Quasi-experimental
    Pinagsamang eksperimental at ebalwasyon na pag-aaral. Gamit ang eksperimental at kontroladong grupo ay paghahambingin ito sa pamamagitan ng pagtataya tulad ng pre-test at post-test.
  • Pananaliksik at Pag-unlad (Research and Development / R&D)

    Isa itong malikhaing gawain na buhat sa masistemang
    pamantayan upang maragdagan ang dating kaalaman,
    kabilang ang dating kaalaman ng tao, kultura at lipunan at
    ang gamit ng kaalamang ito upang makalikha ng
    panibagong aplikasyon. Pokus nito ang pagbuo at
    pagdebelop ng mga kagamitan na mapakikinabangan sa
    hinaharap at eksperimental na pamamaraan upang makabuo at makapagpabalido ng binuong produkto.
  • Uri ng Pananaliksik Batay sa Saklaw ng mga Larangan:
    1. Disiplinari
    2. Multidisiplinary
    3. Interdisiplinary
    4. Transdisiplinary
  • Disiplinari
    Nakatuon ito sa isang larangan batay sa espesyalisasyon ng mananaliksik. Ang bawat larangan ay may kani-kaniyang kalipunan ng kaalaman, metodo at mga teorya, at konseptong tinatalakay at pinag aaralan sa loob ng isang larangan.
  • Multidisiplinari
    Ito ang tawag kapag higit sa isang mananaliksik ang kabilang sa pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay mula sa magkakaibang larangan at nakatuon para sa pag-aaralan ang isang paksa.
  • Interdisiplinari
    Ito ang kayarian ng pananaliksik kung ang isang mananaliksik ay may background sa dalawa o higit pang larangan. Inter/multidisiplinari kung ang mga kalahok na mananaliksik ay may pagsasanay sa dalawa o higit pang larangan.
  • Transdisiplinari
    Ganito ang pananaliksik kapag tatahakin o pag-aaralan ng mananaliksik ang paksa na kabilang sa larangang hindi niya gamay o espesyalisasyon. Sabay niyang tutuklasin ang larangan at ang kaniyang paksang pinag-aaralan.
  • P - Pormal na Pagsulat
    A - Akma sa Panahon
    N - Nagagamitan ng Haypotesis
    A - Angkop na metodo o pamamaraan
    N - Napapalawak ang kaalaman
    A - Anti-plagiarism
    L - Lagging mangalap ng mga bagong datos
    I - Interpretasyon ay Obhetibo
    K - Kwalitatibo o Kwantitatibo
    S - Solusyon sa sulirani
    I - Ideyal ang mga abot-kamay na mga impormasyon
    K - 3K (Kasanayan, Kontrolado at Katapangan)
  • Pormal na Pagsulat
    May sinusunod na hakbang o pormat, kung minsan ay naaayon sa institusyong kinabibilangan.