Tekstong Naratibo

Subdecks (1)

Cards (16)

  • TEKSTONG NARATIBO
    • pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyayari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan.
  • Punto de Vista
    • may mga matang tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ay ginagamit ng manunulat sa paningin o pananaw sa pagsasalaysay.
  • Punto de Vista
    • Unang Panauhan: sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na AKO.
    • Ikalawang Panauhan: dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na KA at IKAW.
    • Ikatlong Panauhan: ang mga pangyayari sa pananawna ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan Kaya ang panghalip na ginagamit ay SIYA.
  • TATLONG URI NG PANANAW
    • Maladiyos na panauhan – Nababatid niya ang iniisip ng lahat ng tauhan.
    • Limitadong panauhan – Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi sa iba pang tauhan.
    • Tagapag-obserbang panauhan – Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan.
  • Kombinasyong Pananaw o Paningin
    • dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa nobela.
  • Direktang Pagpapahayag
    • Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direktang o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang saloobin, diyalogo, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng PANIPI.
  • Di Direktang Pagpapahayag
    • Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng PANIPI.