Kuwento ng Pakikipagsapalaran -Sa ganitong uri ng kuwento, ang pagkawili ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan.
Kuwento ng Madulang Pangyayari - Ang pangyayari ay sadyang kapuna-puna, makabuluhan at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan.
Kuwentong Talino - Ang pang-akit ay wala sa tauhan o sa tagpuan kundi sa mahusa na pagkakabuo ng balangkas.
Kuwentong Sikolohiko - Pinakamahirap sulatin sapagkat sinisikap nitong pasuking ang kasulok-sulukang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa.
Apologo - Hindi lumibang sa mga mambabasa kundi ang mangaral sa kanila.
Kuwentong Pangkaisipan - Ang pinakamahalaga ay ang paksa, diwa, at kaisipan ng kuwento.
Kuwentong Pangkatauhan - Ang nangingibabaw sa kuwentong ito ay ang katauhan sa pangunahing tauhan.