Patula

Cards (21)

  • Tulang Pandamdamin o Liriko - Tumatalakay lamang ang tulang ito sa perspektibo, pagpapahalaga, emosyon, o iniisip ng makanta.
  • tugma - tumutukoy sa pagkakatulad ng tunog ng huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod.
  • sukat - tumutukoy sa bilang ng pantig ng mga salita sa bawat taludtod
  • Patula- Binubuo ng pahayag na may sukat at tugma.
  • Tulang Pasalaysay - Ito ay nakatuon sa pagkukwento o pagpapakita ng balangkas ng isang pangyayari. Walang bilang ng taludtod, saknong, o pantig. Maaari itong mga akdang mahaba o maikli na nagbibigay ng simple o komplikadong mga pangyayari tulad ng daloy ng buhay pag-ibig o pakikipagsapalaran ng isang tao o bayani.
  • Dalit - imno at mga kantang papuri sa Panginoon o sa Mahal na Birhen. Tumutukoy rin ito sa mga tulang damdamin na nagpapakita ng luwalhati, kaligayahan, o pagpapasalamat. Karaniwan din itong isang saknong lamang
  • Elehiya - tula ng panimdim o kalungkutan dahil sa kamatayan.
  • Oda - isang tula ng paghanga o papuri sa isang bagay.
  • Soneto - naglalaman ito ng labing-apat na taludtod. Karaniwang tumatalakay naman ito sa kaisipan at diwa ng makata.
  • Moro-moro - Tinawag itong comedia de capa y espada na sa kalauna'y naging kilala sa palasak na tawag na "moro-moro". Nasusulat sa anyong tula, pumapaksa sa paglalaban ng mga Kristiyano at mga di- Kristiyanong tinawag ng mga Kastilang "moro".
  • Tulang Pandulaan - Ito ay mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro. Karaniwan itong binibigkas ng patula sa saliw ng tunog o muska upang mas maging kagiliw-giliw sa mga manonood.
  • Awit - hango sa haraya ng may-akda. Ito ay may tig-aapat na taludtod bawat saknong. Ang bawat taludtod naman ay binubuo ng labindalawang (12) pantig at mabagal ang paraan ng pagbigkas o ang himig ay tinatawag na andante. Ang paksa nito ay maaaring tungkol sa bayani, mandirigma, at larawan ng buhay.
  • Korido - may walong (8) pantig at mabilis ang paraan ng pagbigkas o ang himig ay tinatawag na allegro Ito ay tümatalakay sa mga paksang kagaya ng pananampalataya, alamat, at kababalaghan.
  • Epiko - ito ay isang napakahabang tula na nagsasalaysay ng di kapani-paniwalang kabayanihan ng isang tao. Karaniwang ang bida o pangunahing tauhan dito ay isang bayani o mahalagang tao sa isang lipunan.
  • Karagatan - hango sa alamat ng isang prinsesang inihulog sa dagat ang singsing
  • Duplo - ginaganap sa bakuran ng namatayan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran nang patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sa patay
  • Balagtasan - isang tradisyunal na paligsahan sa pagsasalita kung saan ang mga kalahok ay nagtatagisan ng talino, galing sa pagbuo ng tula, at kahusayan sa pagsasalita.
  • Tulang Patnigan - Ito ay isang uri ng tula na nakatuon sa pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Karaniwang tinitignan ito bilang isang tulang nasa anyong padebate o pagtatalo. Ang kaibahan lamang nito sa karaniwang debate ay gumagamit pa rin ito ng tugma, ritmo, at taludturan.
  • Panuluyan - pagsasadula sa paghahanap nina Birheng Maria at San Jose ng matutuluyan.
  • Fliptop o Battle Rap - isang modernong uri ng balagtasan kung saan nagsasagutan din ang dalawang panig patungkol sa isang paksa. Kailangan din itong may tugma na binibigkas lamang nang mas mabilis.
  • Batutian - sagutang patula na may halong pangungutya at pagpapatawa. Ipinangalan ito sa kinikilalang "Unang Hari ng Balagtasan na si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute).