FIL 101: Aralin 5 & 6

Cards (26)

  • Tekstong Persuweysib
    • Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang manunulat.
    • inilalahad ng manunulat ang mga impormason sa dalawang panig ng argumento.
  • Uri ng Tekstong Persuweysib
    • Malalim na pananaliksik
    • Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa
    • Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu.
  • Layunin ng Tekstong Naratibo
    • magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
  • Tekstong Naratibo
    • Nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon o di-piksiyon
    • Gumagamit ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora, at simbolo
  • Patricia Melendez-Cruz (1994)
    • kailangan suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang siyentipikong proseso ng lipunan
    • ang mahusay na panitikan ay kinakailiangan naglalarawan sa mge realidad ng lipunan at nagbibigay ng matalas na pagsusuri nito
  • Paksa
    • pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan
  • Estruktura
    • kailangan malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento
  • Oryentasyon
    • malinaw na nailalatag ang kaligiran ng mga tauhan, lunan at oras o panahon kung kailan nangyari ang kwento at nasasagot ang mga batayang tanong na sino, saan, at kailan.
  • Pamamaraan ng Norasyon
    • may iba't ibang paraan ng narasyon na maaring gamitin ng manunulat upang maging kapana-panabik ang pagsasalaysay
  • Elemento ng mahusay na narasyon
    • Paksa
    • Estruktura
    • Oryentasyon
    • Pamamaraan ng Norasyon
    • Komplikasyon o tunggalian
    • Resolusyon
  • Diyalogo
    • sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan
  • Foreshadowing
    • nagbibigay ng pahiwatig o hints hinggil kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento
  • Plot Twist
    • tahasang pagbabago ng direksyon o inaasahang kalalabasan ng isang kuwento
  • Ellipsis
    • omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala
  • Comic Book Death
    • teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay linaw sa kuwento
  • Reverse Chronology
    • nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula
  • In media res
    • nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento
    • kadalasang ipinapakilala ang mga karakter, lunan, at tensiyon sa pamamahgitan ng mga flashback
  • Deus ex Machina
    • nagbibigay-resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong interbensiyon ng isang absolutong kamay
    • nagbabago rin ang kahihinatnan ng kuwento at nareresolb ang matinding suliranin na tila walang solusyo sa pamamagitan ng biglaan pagpasok ng isang tao, bagay, at pangyayari na hindi naman naipakilala sa unang bahaging kuwento
  • Komplikasyon o tunggalian
    • mahalagang bahagi ng kuwento ng naging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon ng mga tauhan
  • Resolusyon
    • kahantungan ng komplikasyon o tunggalian.
    • maaring masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng kuwento
  • Creative Nonfiction
    • kilala rin bilang literary nonfiction o narrative nonfiction
    • bagong genre sa malikhaing pagsulat ng gumagamit ng estilo at teknik na pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan at tumpak na salaysay o narasyon
  • Pangunahing Layunin ng CNF
    • maglahad ng impormasyon sa malikhaing paraan
  • Katangian at layunin ng CNF
    • maging makatotohanan, ibig sabihin ay naglalahad ng tunay na karanasan, naglalarawan ng realidad ng natural na mundo, at hindi bunga ng imahinasyon
  • Apat na katangian ng CNF ayon kay Barbara Lounsberry (1990
    • maaring maidokumento ang paksa at hindi inimbento ng manunulat
    • malalim ang pananaliksik sa paksa upang mailatag ang kredibilidad ng narasyon
    • mahalaga ang paglalarawan sa lunan at kontekstulisasyon ng karanasan
    • mahalaga ang pagiging malikhain at husay ng gamit sa wika - lierary prose style
  • Di tuwiran
    • gumagamit ng simbolismo o nagsasalaysay ng tiyak na karanasan upang maipakita ang aral at pananaw
  • Tuwiran
    • direktang sinasabi ng mayu-akda ang kaniyang pananaw sa tiyak na karanasan